?

Log in

(no subject)

Dec. 4th, 2012 | 07:49 am

V

Posted via LiveJournal app for iPhone.

Tags:

Link | Leave a comment | Share

I am Home

May. 1st, 2010 | 06:17 pm
mood: blankblank

Almost a year ago, I left LJ to be on tumblr. I don't know why pero based on my last entry, a lot of people are already reading this blog kaya lumipat ako. Pero narealize ko that sometimes, life was simpler when I was here. At least wala akong hater non di ba? :)) I guess I'm back! I'd rather be here than anywhere else again. Oh well. Parang gusto ko ng blogspot :)) Joke! Ang labo ko :|

Just minutes ago, sinisigawan ko na naman yung kapatid ko to get out of my room. At eto ang sabi niya. Haha

"Napakasungit mo. Napakasungit mo. Halatang wala ka na namang love life."

And it's true. Masungit talaga ako. Oh well. Ganun talaga. Wala akong love life e. Hahaha. Joke :))

Oh LJ, I miss youuu :D

Link | Leave a comment {1} | Share

New life - new blog

May. 16th, 2009 | 09:07 pm

I am leaving LJ. HAHAHA. Hindi ko alam kung for good na. Pero lilipat na ko ng ibang blogging site. Masyado na rin kasing madaming nakakaalam ng site na to :)) Tsaka new life na rin! Yay! :)

Mamimiss ko ang LJ! :)) Pero I'm sure mahahanap niyo rin naman yun e. Pero ayun, dun na lang muna ako magsusulat :)

Babye! :)
Tags:

Link | Leave a comment {1} | Share

:(

May. 15th, 2009 | 01:34 pm

Nagising ako kaninang 2 AM kasi sobrang lamig sa room ng mom ko. Apparently, nagbukas siya ng aircon kasi naiinitan daw siya :| So nagising ako, sobrang lamig ng talampakan ng paa ko. Tumayo ako at pinatay ko ang aircon. Sabi ng mom ko, tumabi na lang daw ako sa kaniya. Sa sahig kasi ako natutulog (di ako sanay matulog sa kama. HAHAHA). And wala si Roan sa tabi ng mom ko kasi nakatulag siya sa couch habang nag-aaral. So ayun. Tumabi ako kay mama.

Instead na magising ng maaga (maaga talaga akong gumigising), nakatulog ako hanggang 9 AM :( And ayoko non kasi nakakatamad kumilos the entire day kapag ganun :( Tapos pagtayo ko, narealize ko na super sakit ng left leg ko. And hindi ko alam kung bakit. Hindi dahil sa aircon yun. Feeling ko kakalakad namin ni mama kahapon. Galing kami sa Manila Doctors tapos puntang st. Jude's tapos punta sa bahay ng mga tita ko. Feel ko super napagod lang talaga ako :(

Tapos kaninang lunch time, inutusan ako ng mom ko na kumuha ng water sa ref. E di kuha naman ako. Tapos yung lagayan ng tubig, babasagin siya. Pag lapag ko sa may malapit sa sink, nabasag siya :| Di ko alam kung mabigat lang ba pagkakababa ko or sadyang may lamat na lang talaga yung lagayan :| Ewan ko. So ayun, natapon yung tubig. Tapos pinunasan ko ng basahan. Sabi ng mom ko tigilan ko raw muna, kain na raw muna kami. So ayun, papunta na kong table tapos may natapakan akong bubog :(:(:( And dumugo yung kaliwa kong talampakan :( As in dumugo siya and masakit siya and yung slippers ko puro dugo rin :( Masakit na nga yung leg ko, pati ba naman talampakan ko :( Ano ba namang life to? :(

Wala lang. Wala lang talaga ako sa mood ngayong araw na to :( Sana pala umuwi na lang kami ni mama sa Bulacan :( Sobrang bad vibes talaga tong Friday na to :( Gusto ko munang maglaho! HAHAHA. Pero seriously, masakit talaga yung paa ko and bad mood ako and all :( 

Link | Leave a comment | Share

Never settle...

May. 14th, 2009 | 12:36 am

Got this from my cousin's blog :)

Never settle for anyone less than the person who gets you up and about every morning. The person who is so great in your eyes that you can only wish to reach that level - and THAT keeps you going!

Never settle for anyone less than the person who makes you LAUGH til the point of tears, LITERALLY - not just smile - with the dumbest lines, the weirdest actions (i.e. brisk walking kuno), or the cutest hi's after knowing he/she almost ruined your day. Beautiful eyes, stupid songs, dances and crazy tricks work too :) We all need a break from the seriousness of life. That person can be your break.

Never settle for anyone less than the person who knows you better than yourself. He/she cries more for you when you lose and brags about your victories because he/she knows you'll never brag about yourself enough.

Never settle for anyone less than your best friend - the person you can share everything with from your deepest secrets to your toothbrush (and/or chewing gum!) because every time you get into a relationship, you have to think of the future or else you're wasting the present.

Never settle for anyone less than the person who flares your emotions - good or bad - to the highest levels. When they spark the fire in you, it means they deserve your emotions.

Never settle for anyone less than the person who you've given the free pass to but doesn't take it. It's a scary thing to do but if your person is as good as you think he/she is, he/she won't use it... never settle for anyone less than the person who forgave you for using yours. (Free pass...)

Never settle for anyone less than the person you can argue with all day but end with the cheesiest "long love messages" :)  (I love this! HAHAHA. Ganito akong mang-away ng tao e :D)

Never settle for anyone less than the person who promises to love you even if you're pimply or fat or dark or ugly - and sticks to it!  ( HAHAHAHA)

Never settle for anyone less than your own number one fan - the person who stands by you and cheers you on even when no one, not even yourself, believes you can push any harder.

Never settle for anyone less than the love of your life.

Don't be afraid that there's no one out there for you - THAT is a lie. Don't look for perfection, you'll never find it! Don't try to replace people in your past, find people for your present AND your future. Find someone who you know you can work with now and forever, no matter what comes your way. Find someone you can love ALWAYS. When you do this, stick with it, don't be stupid or reckless and you will be satisfied with your life, no matter what other people say. :)

Nakakatawa kasi gumagawa si Roan ng Accounting/Finance/Economics stuff niya sa mga oras na ito. Tapos binabasa ko sa kaniya to. After kong basahin, bigla niya kong tinanong, "May naisip ka ba habang binabasa mo yan?" And honestly, meron. Pero ano bang sense non di ba? HAHAHA. I mean, kung hindi rin naman ako yung maiisip niya sa mga yan, bale wala lang din. Wala lang, just a thought :p

Link | Leave a comment | Share

I was inspired. HAHAHA

May. 14th, 2009 | 12:22 am

Nakakatawa, kasi may nabasa ako sa bestfriend ko AKA Hannah sa LJ niya. So nainspired naman ako. Hindi ko pa dapat isusulat to e. Pero gusto ko ng isulat. Nakapattern to sa isang article na nabasa ko sa Peyups na pinost ko rin dito. Sana hindi magalit ang writer non :)) Hindi ko isusulat yung buong nasulat ko sa papel kasi may time for that e :) Pero gusto ko lang itong isulat :)

How do you say thank you to someone like that?

He answered my question that first time I talked to him no matter how FC I was.
He texted me the day I was absent and asked me if I was okay.
He stayed with me during those days I felt scared and unloved.
He stayed with me when my life was a mess.
He accepted me for who I am - selfish, childish and demanding.
He takes time to talk to me and to listen me rant even if we both know, he would rather talk than listen.

Mahaba yan, pero ayan muna ang isusulat ko. HAHAHA. Go figure out :) I just don't know how to say thank you to someone like that :(

 


Link | Leave a comment | Share

CONFUSED :(

May. 13th, 2009 | 11:50 pm

This is not about finding a job and being unemployed. This is about something else :(

I'm happy actually. Alam mo yun? Being with the best girl friends and going for a final interview, ideal day :) Priceless seryoso. Yung tipong eto yung gusto kong araw. Yung parang lahat ng gusto ko nangyayari. And super thankful naman ako. Susme, magrereklamo pa ba ko? HAHAHA. Syempre hindi na! Ang dami ko ng blessings kahit papano :)

Pero maybe, you can't have it all. Hindi dahil selfish si Papa God. Di siya selfish, siya ang pinakagenerous na nilalang sa mundo. No questions regarding that pero hindi lang talaga natin makukuha lahat - hindi ko lang siguro makukuha lahat. And it's fine. Dahil siguro kapag nakuha ko lahat, baka hindi makabuti sa kin. Di ba? :)

Siguro tama si Lance nung nakausap ko siya the other day, "You don't know what you've got until it's gone." Tama siya. Hindi mo marerealize na mahalaga sa yo yung tao hangga't di siya nawawala. And yun yung sad reality ng life :(

Lance: So MU na kayo? Or over na siya sa yo? =))

Hindi ko alam. Siguro nga over na siya sa kin. Siguro nga pinagsisiksikan ko na lang yung sarili ko sa kaniya. Siguro nga I had my chance pero pinalagpas ko. And siguro nga, katulad ng dati, wala pa rin ako sa top ng priority niya. Okay, siguro nasa upper half ako ng priority list niya pero hindi siguro nasa-unang-una :( And hindi ko naman gustong maging first e, gusto ko lang na mafeel na at least man lang may pakialam siya kahit papano. Yung tipong ganun. Pero siguro nga wala na siyang pakialam. Ewan ko. Ayaw ko pang pag-usapan yun e :( Hay. Ewan ko :(

Link | Leave a comment {1} | Share

Someone Is There

May. 10th, 2009 | 06:49 pm

Naalala ko nung Grade 6 ako, kinanta namin to. HAHAHA. As a class ata. Pero hindi ko mahanap yung lyrics before. Ang alam ko lang na part is, "Someone is there, his love his greater than my pain. He knows the plan, he knows the grand design. Someone is there, his love is greater than my pain. He always makes the sun shine through the rain."

Yun lang. Usually, kapag badtrip ako or feeling ko hindi ko na kaya, ayan yung lines na kinakanta ko. A few weeks ago, narinig ko yan sa Church ulit. And nagtaka kapatid ko kung bakit alam ko raw. HAHAHA. Ngayon ko lang ulit naalalang hanapin yung lyrics.

Isang site lang yung nahanapan ko :| Buti na lang meron siya.

http://blog.360.yahoo.com/blog-3TSRoTMierQi5k5IYmWlqyN2oovTvrX60f.gszg-?cq=1&p=919 :)

Someone is there...

*When I'm standing a the brink of all that matters in my life

When I'm reaching for a shelter from the storm

When the sky is high above me and when no one seems to love me

Someone waits beside me patiently

Chorus:

Someone is there, His hand is reaching out for mine

He knows the plan, He knows the grand design

Someone is there, His love is greater than my pain

He always make the sun shine through the rain

*When I feel I've been forsake and my friends have turned away

When I'm reaching for an anchor in the sea

When the sky is high above, and there nothing left to spare

Someone waits to hear my humble prayer

*When the world is sighing searching I can see His blessed face

And He offers me the promise of His grace

There is hope beyond my needing, there is hope beyond my tears

Someone waits to calm my anxious fears

Link | Leave a comment | Share

(no subject)

May. 9th, 2009 | 05:04 pm

Maybe one of the reasons why I wanted to be in Company X is so that we would be in the same world again. Feeling ko yun yung isang reason why I even submitted my resume online. Kasi yung inooffer ni Company X is the same sched na meron siya soon. Syempre pag nakapasok ako dun, kahit di same place, at least same sched di ba? Imbes na dinner, e di lunch yung sabay namin. Yung tipong ganun. E di mas magiging okay yung lahat kahit hindi same workplace. Pero ewan ko. Hindi pa ulit ako tinatawagan ni Company X e. So di na ko umaasa. Okay, scratch that out. Umaasa pa rin ako. Pero in case na hindi talaga ako para dun, I'm sure maaayos pa rin naman namin yung conflict with schedule. Sus, kayang-kaya yun! Alam ko ibibigay lang ni Papa God yung best for us. Yay! I'm excited sa plan ni Papa God for me, for us! :)

**********

I love eating Nagaraya. Yung tipong kahit araw-araw ko sigurong kainin di ako magsasawa. Yung tipong ganun. HAHAHA. Okay, medyo weird pero super sarap kaya! :) BBQ, Adobo, lahat ng flavors okay lang :)

**********

May mga bagay at tao at opportunity tayong kailangang isuko minsan. Hindi dahil ayaw na nating umasa kundi dahil alam natin na wala ng reason para umasa. Hindi naman ibig sabihin loser tayo. Bat ka nga naman aasa kung wala na talagang patutunguhan di ba? Wala lang, just a thought. HAHAHA

**********

I realized how much I love flowers (magagalit si Kez dito. HAHAHA). Before naman, alam ko na ayoko ng flowers kasi nga naman malalanta lang din sila and all. Pero grabe, may dinaanan kami sa Cubao last Thursday tapos super gaganda ng mga flowers and ang ganda ng pagkakaayos! Basta maganda talaga as in nagmelt talaga yung heart ko nung nakita ko. Super nakakasaya ng araw. Yung tipong titingnan mo lang sila tapos sasaya ka na. Awww. Basta ayun! Ang ganda lang kasi talaga :)

Link | Leave a comment | Share

Happy Crush: Mr. MECO guy

May. 7th, 2009 | 04:41 pm

Just got home around 10 minutes ago pero kailangan ko na talagang iblog to e, HAHAHA.

Galing kami ni mama sa St. Jude's after naming pumunta kung saan. Iniikot namin ang buong Maynila bakit ba. HAHAHA

Tapos may kailangan lang kaming bilhin sa grocery kaya dumaan kami ni mama sa Ever para mamili. Tapos habang kumukuha ako ng Nagaraya (favorite ko yun nowadays), feeling ko nakita ko si Jr. E syempre di pa ko sure nung una pero kasi matangkad tapos namukaan ko si Owell, kapatid niya. So after kong puntahan si ma, sabi ko may nakita akong crush ko. So yung mom ko naman gusto raw makita, so medyo sa malayo kami kasi titingnan nga ni mama and para makasigurado rin ako. Pero yung mom ko pasaway, kumuha rin siya ng hotdog (magluluto kasi siya ng spaghetti), e kumukha rin sina Jr non. So tibay di ba? Kunwari di ko pa siya nakikita, tapos bigla siyang nag-hi sa kin. HAHAHA. So nag-hi rin ako. Pero after non, kunwari may tinitingnan na kong iba. Ayoko kasi siyang kausapin. HAHAHA. Duh! Si Jr yun! Si JR!!! HAHAHA. After namin don, sinabi ni ma bat di ko raw kinausap. E sabi ko nahihiya ako. Tapos sabi ng mama ko kinausap daw ako. Sinabi raw, "Naggrocery ka rin ah!" Nagtaka raw siya bat dinedma ko. Pero honestly, hindi ko talaga narinig. HAHAHA

Wala lang, naaliw lang ako. Ang tagal ko na rin kasi siyang di nakikita e. And alam ko along Commonwealth lang din siya nakatira pero ngayon ko lang siya nakita sa Ever e. HAHA. Hindi ko na gusto si Jr. Duh! History na yun. Kinilig pa rin ako ng konti, pero hanggang dun lang yun. Hindi ko na siya balak kausapin ulit or itext or i-YM, tapos na lahat yun. Tsaka happy crush lang naman si Jr noon e. Buti nga naging classmate namin kuya niya and HS classmate siya ni Nigs (at ni Li rin pala) kaya ko siya nameet. Pero ang nagustuhan ko si Jr na Meco guy. Hindi si Jr na volleyball player. Basta magkaiba yun. Tsaka 2nd year pa ko nung naging crush ko siya no! Super matagal na yun no!

Pero ganun pala yun no? May mga taong masaya ka kapag nakita mo sila pero wala ka ng nafifeel. Di mo na siya gustong maging crush or anything. Masaya ka na lang na makita sila ulit and alam mong kahit anong mangyari, hinding-hindi mo sila makakalimutan.

Happy :)

Link | Leave a comment | Share

BONGGANG-BONGGA!

May. 6th, 2009 | 09:55 pm

Wow, tama nga ata si Kim (UST friend), marami ngang salitang bonggang-bongga sa blog ko. HAHAHA.

Hindi ko alam kung saan ko napulot yun. Pero yeah, bonggang-bongga pa rin ang life kahit wala akong work! And alam kong magiging okay na ang lahat :) Sana lang pag maayos na ang lahat, may babalikan pa rin ako :| Sana.

*****

Someday, I'll let you know :) Someday, malalaman mo rin na kasama ka sa mga plano ko sa buhay. Ikaw at ang mga kaibigan natin. Someday, kapag maayos na yung buhay ko, mababalik ko ulit sa dati ang lahat. At sana sa pagtupad ko ng mga pangarap ko, kasama ka. Hindi ko sure kung may babalikan pa ko, hindi ko pa alam kung gaano pa katagal, pero alam ko lang na araw-araw kong pinagdadasal na sana kapag okay na ko, andyan ka pa rin :)

At alam ko na at the end of the day, ikaw ang gusto kong makita sa harapan.

Looking forward sa pagtupad ko ng mga pangarap ko at sa future wedding kong magiging bonggang-bongga! HAHAHA

*****

My favorite Lactum commercial:


Pero sa lahat ng chop-chop, ikaw ang buo.

Link | Leave a comment | Share

Baclaran Day!

May. 6th, 2009 | 08:43 pm

Today is Baclaran Day. Oo, ngayon ko lang nalaman yan :| Sabi ng mom ko every Wednesday daw Baclaran Day. Pero mas big deal daw kapag first Wednesday. Pero feel ko naman kahit anong Wednesday, maraming tao talaga don e. HAHAHA. Nakakaaliw lang kasi first time kong makakita ng ganun karaming taong nagsisimba. As in madami talaga! Akala ko nga nung una hindi kami makakaupo ni mama sa sobrang dami ng tao e. Buti na lang may tumayo na isa. So, dapat si mama lang uupo tapos tatayo na lang ako if ever. Pero sabi ng matatanda, maghihiwalay pa raw ba kami, so nagmove pa sila ng konti. Bait-bait! :)


Baclaran Church
(http://farm1.static.flickr.com/27/46220270_7466bb50c8.jpg)

At eto lang yung simbahan na nakita kong may mga parang guards. Although hindi talaga sila guards, basta may pare-parehas silang shirt na kulay blue na nag-aassist sa mga tao. Tapos yung mga tao,  nagdadala sila ng flowers like sampaguita and roses tapos kinocollect. Di nila pwedeng dalhin sa altar e :| Pero mukha namang sanay na mga tao dun ng ganun e :)

Gusto ko yung mass and novena kahit super sikip and super daming tao. Sobrang nag-enjoy ako sa mass. Feel na feel ko nga e :) Plus magaling yung priest. Tsaka kahit madaming tao, solemn pa rin yung mass. Kaya super okay :) Super hassle nga lang pumunta kasi super traffic pero super okay talaga! Babalik ako don basta sasamahan ako ni mama or kahit sino na available :)

It's St. Jude's Day tomorrow! Yay! :) I am going! :)

I know I'll be fine. Ako pa. HAHAHA.

Aja Rach! :) Be positive! :)

Link | Leave a comment | Share

(no subject)

May. 5th, 2009 | 07:26 pm

Nanonood kami ni mama ng Bud Brothers kanina. Oo, nanonood ako ng mga ganung klaseng palabas. Jologs ako e. HAHAHA. Anyways, ayun nga. Nanonood nga kami tapos may part dun na nag-aaway sina Vince (Jake Cuenca) and Georgina (Christine Reyes) kasi nga ang narinig niya dun sa voice journal ni Georgina ay nung type pa niya si Pio. Na ginagamit niya lang talaga si Vince nung simula. Tapos tinanong siya ni Vince na kung talagang minahal daw ba siya ni Georgina, bakit daw wala siya sa journal niya. And ang sagot niya.

Georgina: Kasi, nagdadiary lang naman ang tao kapag malungkot siya e.

And I guess tama siya dun sa part na yun. Ewan ko sa ibang nagbablog. Pero kasi ako, dati, nagsusulat lang ako kapag badtrip ako or malungkot ako or mess yung buhay ko or hindi ko na kaya yung lahat. Kaya ako nagsusulat. Pero kapag masaya ako? Nakakalimutan kong magsulat. Kasi gusto ko na lang ireplay yung mga pangyayari sa utak ko kaysa isulat pa ito. Yung tipong ganun. Kapag kasi sad ako, pag nasulat ko na siya, nawawala yung lungkot kahit konti. Pero kapag masaya? Hindi kasi macapture ng kahit anong salita yung saya na nararamdaman ko. Tipong ganun.

Lately ko lang natutuhan magsulat kapag masaya ako. Si Lance nagturo sa akin non. Sabi niya kasi non, hindi raw ba mas maganda ang feeling na nababasa mo rin yung mga masasaya. And tama siya. Kaya nga siguro nung time ni Carl, nakasulat dito lahat. HAHAHA. And after non, nasusulat ko na rin yung ibang masasayang bagay :)

********

Naiisip ko lang na paano kaya kung halimbawa magkawork na ko tapos maaassign ako sa Cebu or Davao. Kukunin ko kaya if ever? Wag mag-isip ng kahit ano, wala akong job offer or anything. Pero bigla ko lang naisip. Paano nga kaya? I mean, okay lang naman sa kin yun e. Pero ewan ko. Hindi ko lang maimagine na iiwan ko yung mga taong mahahalaga sa kin kapag nagkataon. Tsaka kahit malapit lang yun by plane, iba pa rin e. Wala ng random na lakad or movie or tambay. Hindi ko na rin makikita yung mga tao agad kapag namimiss ko sila. Mamimiss ko ang mga birthdays and other important family events. Tipong ganun. Grabe, nakakalungkot yun.

Wala lang. Naisip ko lang bigla. Grabe pala yung sacrifice na ginagawa ng dad ko para sa min. Naisip ko lang bigla. Wala lang. Ewan ko. Ang weird ko na ba sa pagsusulat nito? HAHAHA. Naisip ko lang kasi talaga. I think it would be fun! I mean new people and place and independence pero ganun ko ba kagusto ang independence and new stuff para iwan ko for a while ang family and friends ko? Hindi ko alam. HAHA. Tsaka ko na iisipin kapag nangyari na talaga sa akin yun e. E habang hindi pa, I'll forget it muna. HAHAHA

*********

I know I would be fine. He promised me he would wait for me :)

Work, here I come! Alam ko padating ka na. HAHA. At kahit hindi ako marunong maghintay at kahit hindi ako patient and kahit nadedepress ako madalas, alam ko parating na yun :) And then my life would be back to normal! HAHAHA

Link | Leave a comment | Share

(no subject)

May. 5th, 2009 | 03:33 pm

Kahapon, habang nagmemeryenda kami ni ma, bigla niyang natanong kung mahal ko pa raw ba si Carl. Grabe di ba? Nagulat talaga ako. HAHAHA. Pero ang totoo, hindi na talaga. Wala na. Nakalimutan ko na yung pakiramdam na mahal siya. Oo, naaalala ko pa rin siya paminsan. Naaalala ko pa rin yung mga happy moments as well as yung hell-ish moments. Naaalala ko pa rin yung mga usual niyang sinasabi, mga text messages niya, mga mood swings niya, mga expressions ng mukha niya, mga memories na kasama siya. Yung mga ganun. Pero mahal? Hindi na siguro. Wala na yun. Matagal ng wala. And masaya ako na tapos na yung stage na yun ng buhay ko.

*******

Akala ko kapag nakausap ko siya magiging okay na ko. Pero syempre, di niya magets yung feeling ng unemployed. Di niya magets na parang ang laki ng kulang sa buhay ko dahil wala akong trabaho. Fine, gets ko, super okay mo ngayon kaya di mo ko maintindihan. And siguro maiintindihan ko rin kung saan ka nanggagaling kung wala na ko sa stage na ito. Maiintindihan din siguro kita. Akala ko lang kasi you'll say the right words kaya sa yo ako lumapit. Hindi ako usually lumalapit sa mga taong may trabaho kasi naiinsecure ako sa mga ganung tao lately anad honestly, super naiinsecure ako sa yo. Pero yeah, lumapit pa rin ako sa yo. Well, thanks for making me feel insecure too. Sorry, medyo sensitive lang ako lately :(

Link | Leave a comment | Share

(no subject)

May. 4th, 2009 | 08:24 pm

Bakit? Bakit? Bakit ang unfair ng buhay? Masama ba kong tao? :( Hindi naman di ba? Hindi naman? Hindi naman!!! Pero bakit? Bakit? Bakit ganito ang life? Bakit? Bakit? Bakit? Grabe! Ang dami kong bakit. Bakit kasi hindi pa matapos ang stage na to ng buhay ko? Ayoko na e. Napapagod na ko.

Gusto ko ng magtrabaho! Gustong-gusto ko na :( Bakit ba hindi pa rin ako binibigyan ng trabaho? :(

Link | Leave a comment | Share

A dream

May. 4th, 2009 | 11:53 am

Kahapon lang, super sure na ko na ang next time kong gagawin sa buhay ko ay balikan siya. Super proud pa ko habang kausap sa phone si Joy and katext si Cathy. Yun yung next kong gagawin sa buhay ko after kong makahanap ng trabaho.

Pero ewan ko. Hindi ko alam. Nanaginip kasi ako kagabi and ayun, gumulo yung buhay ko :|

Naalala ko last week, ka-YM ko si Hannah and tinanong niya ko.

Hannah: So kamusta na si *toot*?
Rach: Hindi na siya kasama sa plano ng buhay ko. Haha
Hannah: Sure ka na ba diyan?
Rach: Oo naman!

Pero ngayon? Ewan ko na. Ayoko na siyang maalala, ayoko na rin siyang balikan o ayaw ko ng balikan niya ko. Pero bakit ganun? Bakit kailangan ko siyang mapanaginipan? And yung magandang panaginip pa ah. Grad dinner daw ni Hannah and magkasama kaming pumunta. Tapos ayun, parang super okay daw namin. Hinawakan niya pa nga yung kamay ko e. And sobrang bilis talaga ng heartbeat ko tapos nagmemelt pa rin yung heart ko after ng lahat ng nagawa niya sa kin. Tinext ko rin dun sa dream ko si Tope. Sabi ko raw sa kaniya, ganun pala yung feeling na hawak mo yung kamay ng taong sobrang mahalaga sa buhay mo. Sabi ko sa kaniya, ngayon nagegets ko na siya. Tipong ayaw mo ng bitawan ever. Tapos habang kasama ko siya at habang hawak niya ang kamay ko, kinukwento ko raw sa kaniya na nagpunta akong St. Jude's last week tapos tinanong niya sa kin bat di raw ako nagpasama sa kaniya.

After non, kailangan kong gumising. Bigla ko kasing narealize na imposibleng mangyari yun. Bigla akong naging aware na nananaginip lang ako. Kailangan kong bumangon at kailangan kong harapin yung fact na hindi na siya babalik at hindi na ko ulit aasa pa.

FIve years. Five years na paulit-ulit lang naman yung cycle na nangyayari sa min. Five years na hindi ko alam kung saan ako lulugar sa buhay niya. Five years. Napakatagal na non e. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ng isa pang round. Posible, oo! Pero gusto ko pa ba? Kahapon, ayaw ko na. Pero ngayon? Bakit kailangan kong maramdaman to.

Ayaw ko na. Pero bakit ganito? Bakit nararamdaman ko na kapag binalikan niya ko, ganun pa rin yung mararamdaman ko :(

Ewan ko. Ayoko na siyang maisip ever :(

Hindi ko na naaalala kung anong say ni Hannah and Fat sa kaniya way back in high school. Hindi ko pa natatanong kay Hannah kung anong tingin niya sa kaniya ngayon. Maybe next time, kapag nakausap ko na siya ulit.

Minsan sinabi ko kay Roan na feeling ko kami magkakatuluyan sa huli. And sabi ni Roan, "Alam mo, after ng mga pinagdaanan niyo, feel ko kayo talaga!" Pero ewan ko. Hindi ko talaga alam.

Mas gusto siya ng mom ko kaysa kay Carl. Way gusto. Pero ang tagal na rin naming hindi nag-uusap. And hindi ko alam kung mag-uusap pa ulit kami. Ewan ko. Ayoko ng isipin :(

Sana after board exam, makausap ko siya ulit. Kapag parehas ng okay yung buhay namin. Sa ngayon, kaniya-kaniya na muna. Okay naman kaming magkahiwalay e.

He calls it dependency, I call it love.

Link | Leave a comment | Share

Frustrations with the English Language

May. 1st, 2009 | 11:11 pm

I've read this in peyups.com :) Nakakainggit yung nagsulat nito! Masyado siyang maswerte. How I wish makahanap din ako ng taong kasama niya ngayon :) This is LOVE <3

Frustrations with the English Language
Contributed by tubby (Edited by arwen) 
Saturday, April 04, 2009 @ 06:46:27 PM
Print | Send

Sometimes, the English language proves inadequate. Take for example whenever I love you isn’t enough.

He asked his girl friends for a napkin when I suddenly got my period in the middle of school. He waited outside the bathroom and bought me tissue when I had the worst case of diarrhea during one of our dates. He didn’t get jealous when I was forced to have a male lab partner for Chem 16. He tutored me when I was failing miserably in Math 54. He taught me card tricks when I was desperate for a talent for my application process for an org. He gave me a video compilation that took him several days to create for my eighteenth birthday. He took time out of his full schedule just to surprise me with a rose and my favorite Ferrero chocolates on Valentine’s Day.

He offers his laptop and prints my essays when I’m cramming my schoolwork. He burns my data CDs when we have no blank CDs at home. He lets me use our dates as napping time when I’ve been up the whole night doing a project. He splits his favorite snacks and Lindt and Toblerone chocolate with me. He pays for us both when we ride the jeep. He drives me to the MRT when it’s late at night and I’m too scared to ride the UP-Pantranco alone. He fits his schedule around mine. He revised his whole schedule and enlisted in sections where he is OP just so we could see each other everyday. He doesn’t come to his barkada’s lunch-outs just to visit me in UP. He excuses himself from his boys’ Friday nights-out just so I won’t have to wait for my sundo alone.

He stays up late just to listen to my rants, back when mIRC was still the uso chatting program, up to now when Yahoo Messenger is the fad. He wakes up from only 5 hours of sleep just so we can watch a movie together. He records my favorite TV shows when I can’t watch them because I’m stuck in traffic. He holds my hand even in front of his macho, teasing, un-mushy friends. He travels to UP everyday just so we can have lunch together. He visits me every school day, even if it’s just to drive me to the ridiculously far-away NIP building to save me the long trek under the noontime sun. He buys me my favorite KFC Chicken Fillet and cheese Fun Shots with extra gravy and brings it to me when he knows I don’t have time to buy my own lunch. He doesn’t complain when I waste his gas by asking him to drive us to some place and then suddenly changing my mind. He agrees to watch cheesy, jologs love-dovey movies like Now That I Have You with me even though he’d much rather watch something else. He spends hundreds of pesos on tickets to watch Dulaang UP plays just so I won’t have to watch them alone. He always kisses me on the cheek when we part ways, even when we’re among our friends.

He stuck by me even when I was exchanging our dates for tambay hours while I was applying for the org. He stuck by me even when there was the very near danger of my parents banning us from seeing each other again. He stays with me despite my past habit of cheating on boys. He stays with me despite my parents’ strict rules about not getting too serious with a guy. He stays with me despite the fact that we cannot see each other on weekends. He stays with me despite the fact that I live two hours away. Heck, he stays with me despite all of my flaws.

He is my best friend, boy friend, confidant, ideal guy, counselor, tutor, security blanket, trophy prize, person-to-call-in-case-of-emergency, and guardian angel all rolled into one.

I tell him I love him, but somehow it doesn’t fit.

What do you say to someone like that?

Sometimes, I love you just isn’t enough.

SOURCE: http://peyups.com/article.khtml?sid=4388

Link | Leave a comment | Share

Back on track

May. 1st, 2009 | 07:00 pm

Napansin ko lang na ako yung tipong tao na halos lahat nakaplano. Well hindi detailed plan pero gets? Parang buong buhay ko nakaplano na. Kaya kapag may hindi natupad na isa, marami akong kailangang iadjust. Tipong ganun. Tsktsk. Dapat baguhin.

Ako rin yung tipong tao na kapag may dumating na importanteng tao sa buhay ko or importanteng event, agad ko silang sinasama sa kung anumang plano ko sa buhay. Kaya kahit hindi nila sinasadyang maging paasa, nagiging paasa pa rin sila sa paningin ko. Malabo ba? Basta parang ganun. Kaya ang ending, nadidisappoint ako. Nadidisappoint nila ako. Pero hindi nila kasalanan yun. Nadidisappoint ako hindi dahil sa kanila, nadidisappoint ako dahil sa sarili kong expectations. Wow! Ngayon ko lang narealize yun? HAHAHA.

Babawasan ko na nga yung mga expectations ko sa mga tao at pangyayari sa paligid ko.

Naaaliw ako kay Tope. Masyado niyang binebenta ang produkto ng kumpanyang magpapasweldo sa kaniya. HAHAHA. Good job Tope! I am sure na sulit ang binabayad nila sa yo. HAHAHA. Pero hindi pa rin nagbabago yung fact na nagtatampo ako sa yo dahil di mo ko ininvite sa birthday celebration mo. At hindi totoong hindi kita binati dahil binati talaga kita. Bulok lang talaga yung phone mo! HAHAHA. Joke! :)

Namimiss ko na mga kaibigan ko! And I am sure na magkikita na kami soon. Alam ko. Nararamdaman ko. HAHAHA

Naisip ko kagabi na natatakot na kong masaktan.

Pero naisip ko rin kanina na hindi pala yun yung bagay na dapat katakutan. At kapag nagkatrabaho na ko and may magandang posisyon sa magandang kumpanya, babalikan ko siya. At ipapangako ko sa sarili ko na mamahalin ko ang mga taong mahal ako at mahalaga ako para sa kanila. Yung hindi ako kayang tiisin, yung di ako iiwan at yung kaya akong ipagmalaki sa mga kaibigan niya. Yun yung taong babalikan ko. At sana pag dumating yung time na may trabaho na ko, andyan pa rin siya. Salamat sobra! Alam mo na yun :)

Feeling ko kaya ko na ulit ngumiti. Thank you Papa God! Thanks sa daddy ko para sa aking allowance at sa mommy at sa kapatid ko para sa moral support. At sa muling pagbalik ng bestfriend ko :) Sabi nga ni Roan sa kin kanina, "Count your blessing kasi Ate!" :)

Yes, someday, maybe someday. Matutupad ko rin mga pangarap ko at mababalikan ko rin siya at makikita ko ulit ang mga kaibigan ko at hindi na ko magtatago sa mga tao at maibabalik ko rin sa daddy at mommy ko lahat ng nabigay nila para sa akin :)

[edit]

Gusto ko ng pakwan at ng coffee crumble ng Red Ribbon :|

Link | Leave a comment | Share

Love and Dependency

May. 1st, 2009 | 08:47 am

He once told me that I have the tendency to be dependent on him. I don't know. Because for me, I have never been dependent to anybody aside from my dad and mom.

I can live without you. I can go to parties without you. I can watch my favorite movies without you. I can go shopping alone. I can spend an entire day not texting or talking to you. I can go online without even ym-ing you. I can go out with friends without having to invite you. I can live my life without you. I am independent and I know I can stay that way for the rest of my life. But you know what? Love is when two people can live without each other but at the end of the day they still chose to be together.

You call it dependency. I call it LOVE.

And yes, though I can do everything alone, it would always be better and funnier and greater and more memorable to share those imporant events with someone who would not see it as dependency but love.

*****

I am still unemployed and depressed :(

Link | Leave a comment | Share

(no subject)

Apr. 29th, 2009 | 12:23 pm

I love the scene in 90210 wherein Navid was trying to be choosy to what Adriana was taking for lunch. He is SOOO concern for the baby and I love it :) They really look good together . That is <3 :)

I love the fact that he called me when things did not turn well between me and Carl and everything was falling apart. Although I failed to write it during that day and all I managed to say was "Okay lang ako." I appreciated the fact that he was there for me. Yeah, I failed to say thank you. But let me take this chance to tell you how thankful I am that though you were not always there when I am happy, you were there in moments I need you most :) I know you're reading this and thank you! Thanks a lot for everything! :) You are one of those people I wanted to keep for the rest of my life! :)

I still hate you. HAHAHA. And I guess some people just choose to be someone else than to be with their friends. Don't talk to us when things are falling apart, we won't be there for you :p

I want to go to school to buy some stuff from the A-shop and get my and Chong's InTACT honorarium but I guess I am not ready to answer some questions yet.

I can't wait to be free again! HAHAHA.

I don't want to be depress anymore! Things will become better. I just have to trust :)

Link | Leave a comment | Share

(no subject)

Apr. 29th, 2009 | 08:05 am

I am teaching my sister Accounting! Yes, accounting! HAHAHA. Hindi ko naimagine na kakayanin kong turuan ng Accounting yung kapatid ko. Duh! Binagsak ko yung 1st long exam ko dun! Plus nagpatutor pa ko kay Ms. Bunny non and nagbayad ako ng 300/hour for that. At ngayon? Nagtuturo na ko Accounting! Wow! HAHA. Nakatagpo ako ng purpose ko sa buhay since nagstart ng Summer classes ang aking kapatid. Mantakin mo yun? Naaalala ko pa lahat ng lessons ko sa Accounting. As in LAHAT. Wow, that's something! HAHA

I am going out tomorrow! Me time! HAHA. Joke! Marami lang ako aasikasuhin tomorrow and nagdecide rin ako na bukas since tomorrow is St. Jude's Day! No, I am not going with Jester, I am going to mass alone. Hopeless case na ito! HAHA. Kailangan kong magdasal ng mabuti! Yay! :) And finally magpapagupit na ko! Yay ulit! Hindi ko na maalala kung kailan yung last time na nagpagupit ako. Di ko na talaga maalala. HAHAHA. Ganun na katagal!

I think I am missing a lot of people! Napapanaginipan ko na silang lahat e. As in! Kaya paggising ko nakangiti ako kasi sa mga dreams ko kasama ko na ulit sila - close friends and old friends. Awww :(

I love talking to Hannah. I always feel better. Alam kong nagkaconflict kami pero I'm glad she's back! Ngayon ka siya super kailangan, and sobrang saya ko na alam kong andyan lang siya ngayong mga panahong ito. Natatakot pa rin ako. Duwag nga ako di ba? Pero alam kong may plan sa akin si Papa God. Kung ano man yun, I trust in him. Alam kong darating din yung para sa akin. Kung saan ako sasaya, kung saan mamaximize ang potential ko at kung saan ako maraming matututuhan :) Alam ko malapit ko ng matupad ang mga pangarap ko. Someday :)

Link | Leave a comment | Share

Random Thoughts

Apr. 25th, 2009 | 03:18 pm

I miss my friends. I really do. Wala lang, namimiss ko lang talaga sila :(

Hindi ako sanay ng naghihintay. I am not patient. Screw the saying "Patient is a virtue" I am not really a fan of patience. Ayoko ng pila, ayoko ng traffic, basta anything na kailangan kong maghintay - ayoko. Nung pumasok ako ng St. Paul, hindi ko kailangan maghintay. One day, nalaman ko na lang na papasok ako ng school na yun. I can't even remember na nag-exam ako. Nung magka-College ako, di ko kailangan mag-appeal sa kahit anong school at magtake ng last minute entrance tests just like the rest of my batchmates because I have the Ateneo. I am going to be an Atenean. Nung OJT ko, di ko kailangang magpanic because I had UnionBank. Alam kong mag-oOJT ako sa UnionBank bago pa man mag-end ang March. See? Hindi ko kailangang pagdaanan ang mahabang paghihintay. The world has always been on my side except now :( Ayoko ng maghintay, gusto ko na ring magtrabaho!!! :(

Sabi sa I Love Betty La Fea, "Everything worth having is worth waiting for." Sana totoo. Ngayon, I am learning the virtue of patience.

Walang nagpepressure sa aking magtrabaho. My dad and mom said na hindi ko kailangang magtrabaho agad. Pero alam mo yung feeling na parang may kulang? Parang ang laki ng pagkatao ko yung kulang. Hindi ako sanay sa ganito. Hindi rin naman ako workaholic pero gusto ko ng magwork e. Hindi naman ako tamad, hindi rin naman ako bobo, pero bakit wala pa kong trabaho? Hay life. Gusto ko ng makapasok ng Company X! :(

Gusto kong magwork kasi dun na magsstart ang pagtupad ko sa mga pangarap ko. Gusto ko ng magwork to stop people from asking kung saan ako magtatrabaho. Gusto ko ng magwork kasi nakapagod ng magtago sa mga tao kasi wala pa kong trabaho at ayokong mabadtrip sa mga tanong nila. Gusto ko ng magtrabaho para magkaroon na ng peace of mind. Di ako makapag-enjoy kasi nakakaguilty na after ng lahat, may reality akong kailangang harapin na wala pa rin akong trabaho :( Hindi lang ako sanay na ganun. E kung may job offer na ko, pwede na kong pumunta kahit saan. Wala ng masasabi ang mga tao sa kin and pwede ko na ring makita kahit sino dahil alam kong alam ko ang pupuntahan ko next. Yung tipong ganun :) Ah basta, yun na yun.

Ayoko ng uncertainty.

Nagsstart na ang bestfriend kong si Joy sa isang call center. Magtatrabaho na rin si Tope sa Monday. Si Aika, high school friend ko, nagtatrabaho na rin somewhere in Makati. Most of my high school friends na Nursing ang course and other courses na kailangang magboard, busy sa pagrereview. My closest friends (Kim, Kez and Dot) are somewhere in Asia. Hannah is back at school - last 2 terms to go! Gelo is already working too. Hay, I miss them! :(

Nako-nako. Wala lang, I just miss everybody!

People should stop asking if I already have a job. Hayaan niyo pag nagkatrabaho ako, iaanounce ko sa lahat ng social networking sites ko - Friendster, Facebook, Multiply, Plurk, LJ. Sa lahat! So hanggang wala pa kong sinasabi, please take it as wala pa kong trabaho. I am getting tired of answering your questions!

Grabe, ang depressing pala ng entry na to. HAHAHA. Pero overall, happy naman ako e :) Nakakasad lang pag bigla kong namimiss yung mga tao and bigla kong naiisip na wala pa rin akong trabaho. Pero don't worry, I am okay :)

Link | Leave a comment {2} | Share

On Juday and Ryan

Apr. 18th, 2009 | 07:26 pm

Nanonood ako ng Talentadong Pinoy for the first time. Wala lang, nakakaaliw lang kasi. HAHAHA. Sobrang nakakatuwa talaga, and nakakaamaze at the same time. Pero hindi yun yung purpose ng blog na to.

Birthday nga raw kasi ni Ryan Agoncillo kaya special guest si Judy Ann Santos, gf and soon-to-be Mrs. Agoncillo. Wala lang, ang gwapo kasi ni Ryan, hindi ko magets kung anong swerte ang nakuha ni Juday kaya si Ryan ang nakatuluyan niya. Wala lang. Sobrang cute niya di ba? And sobrang swerte ni Juday na ikakasal siya with this guy.


Mantakin mo nga naman o! Walang rumored bf si Juday ever. And 30 y/o na siya ng magpropose si Ryan sa kaniya. Kung ako ba naman si Juday, kahit maghintay ako ng 30 y/o para lang ikasal, okay lang no! Kung at the end naman, Ryan Agoncillo ang mapapangasawa ko. Grabe kasi e! Ang swerte talaga ni Juday. Sorry naman, apektado ako e. HAHAHA

Kaya sabi ng mom ko, "Papayat ka na kasi!"

:)

Link | Leave a comment | Share

I want this phone! HAHAHA

Apr. 17th, 2009 | 07:51 pm

I just fell in love with this phone too :) Pag nakahanap na ko ng perfect job, eto na yung perfect phone for me. HAHAHA. My dad promised me na pag nakahanap ako ng trabaho, bibilin niya to for me. So sana magkatrabaho na ko. Yay! :)

http://www.nokia.com.ph/find-products/products/nokia-e71

Love, love this phone :)

*****

I feel bad for Ted Failon and his family. Wala lang. Hindi kami close or anything pero nakakasad lang for him. Bata pa ko, si Ted Failon na yun. Graduate na ko, si Ted Failon pa rin yun. Ang tagal na panahon niyang iningatan yung pangalan niya pero dahil sa pagkamatay ng asawa niya, may possibility na masira yung career na yun. Badtrip lang kasi talaga. Naniniwala pa rin ako na suicide ang nangyari. Naniniwala ako na hindi niya kayang patayin yung asawa niya. Naniniwala ako na may financial problem lang talaga yung asawa niya kaya nagkaganun yung mga bagay-bagay.

I just wish na maging maayos na ang lahat for him and his family. Kawawa naman kasi talaga silang lahat. Biktima lang sila ng lahat ng pangyayari.

Link | Leave a comment | Share

SMP 2008 Reunion and Finding the Right One

Apr. 14th, 2009 | 08:37 pm

Pumunta ulit akong UnionBank today. Student Mentoring Program (SMP) 200 Reunion today. Dapat talaga hindi ako pupunta kasi originally, wala akong kasama. Sabi kasi nila JD and Alphi before grad, di raw sila pupunta. Si Gelo naman, may Vigan, La Union and Pangasinan trip kasama ang blockmates. E ano namang gagawin ko dun ng ako lang di ba? Kaso nag-YM sa kin si Natz, OJT crush ko, and tinatanong kung pupunta daw ba ko. Syempre kinilig naman ako ng konti. HAHAHA. So pinilit ko si Gelo na pumunta. At dahil may work na siya and sobrang nakakainggit na talaga siya, di na siya makakasama sa block niya kaya umattend kami. Yay! Thanks Gelo! I owe you a lot! And namiss kita. Gusto ko na rin ng work :)) And si JD, nagbago ang isip niya so pumunta na rin siya. Yay  ulit! :)

UnionBank will always have a special place in my life. Okay ang OJT program niya and okay din ang mga naging mentors naming lahat. Hindi ko makakalimutan kung paano binago ng UnionBank ang buhay ko exactly a year/365 days ago (April 14, 2008). Natuto akong maging independent, nakatikim ako ng real world, nakakakilala ng mabubuting tao – from HR to my mentors to my co-employees and finally my co-OJTs. Nagbago ang pananaw ko sa buhay ko nung nakilala ko ang UnionBank and kahit anong mangyari, kahit hindi man ako dun magtrabaho, never kong makakalimutan ang lahat ng experiences and lahat ng tao na nakilala ko along the way :) Sobrang naappreciate ko every hour na inispend ko dun kahit minsan nakakastress. Ganun talaga ang buhay, kailangan maghirap para eventually maging worth it ang lahat :)

I love the fact na nakasama ko ulit si Gelo. Sobrang namiss ko kasi siya. Parang last year lang ulit, UnionBank plaza, elevator from 18th floor, lakad hanggang Megamall tapos MRT ride na lagi kaming nakikibaka. Pero magaling si Gelo e, kahit maraming tao, lagi kaming nakakasakay sa unang tren. Madiskarte yun e. Sobrang nakakamiss lang talaga kahit sobrang nakakapagod. And I love being with him again! Alam niya naman yun kahit di ko sabihin e. And isa siya sa mga reason kung bakit alam ko na tama ang choice ka ng piliin ko ang UnionBank over the rest :)

Seeing Natz Go again, kinilig ulit ako. HAHAHA. OJT crush ko si Natz, BS Psych, HR dept, Lasalista, and nice guy. Grabe, nag-hi lang siya sa kin, nagmelt na talaga ang heart ko. HAHA. Grabe, naaalala ko last year, 1st time ko pa lang nakita si Natz nung OJT Orientation namin, kinilig na agad ako. Typical Chinese guy :) Sayang nga lang nahiya akong magpapicture kasama niya :( E kasi naman, kasama niya sila JR and Nino, mga ka-dept niya sa OJT last year :|Oh well, sana magkita pa kami ulit someday. Kahit hindi sa UnionBank, kahit saan. Maliit lang naman ang mundo di ba? Pero grabe, kakakilig pa rin. Hindi ko na maalala kung paano ako nagpakilala kay Natz noon, alam ko lang na una ko siyang tinext. Buti nga nice-nice pa rin siya sa akin e. Plus inadd niya ko sa YM and FB. HAHAHA. Super kilig talaga! At isa rin si Natz kung bakit alam kong naging masaya ang UnionBank experience ko :x

*****************FINDING THE RIGHT ONE**********************

Dumating na yung time sa buhay ko na madami akong crush and usually, itetext ko silang lahat. Wala lang, para makapagstart ng conversation? Or para lang malaman nila na interested ako sa kanila or magpacute ng konti. Pero wala ni isa man sa kanila ang magrereply. Ewan ko kung bakit, baka di sila interested or sadyang busy pa lang sila sa ibang babae. Ewan ko. Pero sa tinagal-tagal ng paghihintay ko sa kanila, nakakalimutan ko rin sila. Nagsasawa rin akong maghintay.

Tapos isang araw, may isang magpaparamdam. Itetext ka, iyym ka, aayain ka, at magpapakita ng kakaunting interes sa yo. At dun sa moment na yun, maaalala mo na naman yung isang taong yun. At dun ko maiisip na minsan din pala, nagpakita rin ako ng interes sa kaniya. Mag-uusap kami, magkakasama ng isang araw tapos sasabihin sa kin, tatawagan na lang daw niya ko ulit.

Hindi siya yung pinakagusto ko sa lahat ng crush na tinext ko, pero dahil sa minsang yun, umasa ako. Umasa ako na tatawag siya ulit, na aayain niya ko ulit. Nainlove ako sa kaisa-isang pagkakataon na iyon dahil nakita ko na kakaiba siya sa lahat. Dahil tinanggap niya ako sa kung sino ako at sa kung ano ang kaya kong gawin.

Pero sa ngayon? Hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari. Kung tatawag ba siya ulit o kung kakausapin niya pa ko. O baka naman may nakita siyang better sa kin? Sabi nga ni Roan, "Tinimbang ka ngunit kulang."

No, walang bagong guy. HAHAHA. Wala pa kong interes sa love ngayon, naisip ko lang na tama yung mga blogs na nababasa ko noon na ang paghahanap ng trabaho ay parang pakikipagdate :))

Ang dami-dami kong pinagpasahan ng resumes ko, yung iba sa sobrang tagal, nakakalimutan ko na. Pati yung position applied ko, nakakalimutan ko na rin sa sobrang dami ng gusto kong companies. And naaalala ko lang sila kapag tinawagan nila ako after 1 million years. And sa mga tumawag na, finally, I fell in love with Company X. Hindi siya yung ideal company ko. Kapag tinatanong ako kung saan ko gustong magtrabaho, sasabihin ko lang basta big company. Pero iba talaga ang epekto sa kin ni Company X e. Pero ayoko namang umasa kasi marami ng companies sa past na hanggang 1st stage lang tapos hindi na nasusundan ulit. Siguro nakita nilang okay ako. Yun nga lang, may mas okay pa sa kin.

Pero eto na talaga e. Eto na yung work na matagal kong hinihintay and pinagdadasal. Sana naman, tawagan ako ulit ni Company X. Sana naman, next time, stage 2 na kami. Sobrang alam kong sasaya ako dun and maggrow. Sana talaga nakita niyang okay ako at sana tanggapin niya na ko finally.

Naniniwala ako sa God's plan and alam ko na kung tatanggapin man ako ni Company X, si Papa God lang ang nakakaalam. Darating naman ang right job, kagaya ng right person, kung alam ni Papa God na yun yung best sa tin di ba? Sana lang talaga matanggap ako dito kasi sobrang dream company and dream job ko na yun! :(

And kung di man siya, sana magparamdam din yung iba pa.

Please pray for me! PLEASE PLEASE PLEASE!!! I really want this job! :(

Link | Leave a comment | Share

(no subject)

Apr. 13th, 2009 | 07:45 am

Ang tagal ko ng di nagbblog. Tinatamad kasi ako. HAHAHA. Pero seriously, lagi ko icclick yung post na link pero di naman ako nagtatype. HAHA. Nakakatamad lang kasi talaga.

Anyways, mag-uupdate ako bukas, kapag sinipag na ko. Maglalagay ako ng mga pictures sa blog ko na galing sa celphone ko. HAHAHA. Di rin ako nag-OOL lately kasi umiiwas ako sa mga tanong na, "May trabaho/job offer ka na?" Grabe, nakakapressure kasi. Naghahanap naman kasi ako ng work, pumupuntang interviews, wala pa lang talaga akong work. Don't worry, kapag nagkawork na ko, ipagmamalaki ko ng bonggang-bongga! Pero sa ngayon, unemployed pa rin ako. And alam ko sa right time, darating din ang perfect job :) Kailangan ko lang maghintay.

Grabe, natetest ang patience ko sa mga panahong ito. Hindi pa naman ako patient na tao pero kailangan kong maging patient. Kaya ko to, kaya ko to. Say to self 1000x HAHAHA

Nangako ako sa sarili ko na pag nakahanap ako ng perfect job for me, magsisipag ako ng bonggang-bongga. Hindi ako maeexcite umuwi, magttrabaho ako hanggang kaya ko habang ineenjoy ang work at gagawin ko ang best ko. Isasabuhay ko ang salitang magis. Nangangako ako na gagawin ko lahat para maging fit sa real world. As in career muna ang aasikasuhin ko. Yun muna. Kung may love life, bonus na lang yun. Pero kasi sa ngayon, career muna ang gusto kong isipin.

Pero Papa God, kung may ibibigay ka na ring right guy, okay lang din naman. HAHAHA

Hay, life, nakakaloka pero masaya.

I should stop playing Restaurant City kundi tataba na talaga ako na lagi akong nakatutok sa harap ng laptop :|

Exercise starts today! And diet too. Sabi ng mom ko, lolobo ako ng lolobo kung hindi ako mag-eexercise at magdadiet. CONTROL! Aja Rach! :)

Me wants maki! :( I want to eat! HAHAHA

Link | Leave a comment | Share

1001 Things I Want In A Lover

Apr. 10th, 2009 | 06:09 am

Here are my favorites :)

Someone who will always gives me piggy back rides when my feet hurt for wearing high heels.

Someone who will never ever tell me I'm fat when I go back for a second order of fries at McDo.

Someone who worries about me even when I say not to.

Someone who will sit and have dinner with my family, no matter how awkward they feel.

Someone who will show up on my doorstep with a bundle of balloons on my birthdays.

Someone who will call me five minutes before an important presentation just to wish me luck.

Source: http://achoiceinthematter.tumblr.com

Link | Leave a comment {2} | Share

NAKAKADEPRESS

Apr. 5th, 2009 | 06:34 am

I hate the pressure.
I just hate feeling that my life sucks just because I do not have a job offer yet.

I just want a job.
A job that would make my parents happy.
A job that would make me happy.
A job that would let me practice everything I've learned in MIS.
A job that would make my sister proud of me.
A job that would give me a salary that I deserve.
Lord, please give me a job!!!
PLEASE?

P.S You can give me a bf as well along with the job offer :)

Link | Leave a comment {2} | Share

me misses you!

Apr. 4th, 2009 | 09:28 am

HAHAHA. Nakakaaliw lang kasi since bakasyon mode ako ngayon dahil matagal na kong di nakakaranas ng totoong walang ginagawa and walang stressful na iniisip, mas marami rin akong taong namimiss lately. And no, di lang crushes ang namimiss ko. Most of them are close friends na feeling ko ang tagal ko ng hindi nakakausap. Tipong ganun. As in di ko alam bakit nung nakikita ko sila sa school, di ko sila masyadong pinapansin :|:|:|

Nakakasad lang yung ganun. Hay.

Anyways, nanonood ako ng A Walk to Remember bago ako matulog kagabi and namiss ko ang isang close friend, kaya bigla ko siyang tinext.

Me: Me misses you!
Friend: Anong meron?
Me: Wala lang, namiss lang talaga kita!
Friend: Lasing ka ba?

What the? Hindi nga ako umiinom, pano pa ko malalasing di ba? HAHAHA. At isa pa, masama na bang magsabing namimiss kita? Natural lang namang makamiss ako ng tao ah. Pero nakakagulat ba talaga pag galing sa kin? Well, siguro, di siya sanay na sinasabihan ko ng ganun e. HAHAHA. Usually kasi inaaway ko siya, nag-rarant ako or nagtatanong ako about sa crush ko. Kaya siguro nagulat siya :|

Oh well, maniwala ka man or hindi, me misses you! :)

Sa pagtitiyaga sa ugali ko, sa pagiging kasabay kong umuwi nung wala ka pang car, sa pagiging driver namin sa MISA event, sa laging pagtatanong kung bakit ako sad or badtrip, dahil never mo kong natiis, sa pag-aappreciate ng lahat ng ginagawa ko, sa pagiging laging nandiyan for me for the past 3 years, di ko pa ata nasasabing naaappreciate ko lahat ng yun! Kahit na parang loka-loka ako minsan and pre-occupied sa napakaraming bagay, sobrang naaappreciate ko na andyan ka lang.

I can't wait to see you again and hug you and tell you how much I miss you! Kasi kahit di kapani-paniwala, miss na kita! :)
 


Link | Leave a comment | Share

Mamimiss kita...

Apr. 3rd, 2009 | 12:42 am

Sinabi ko sa sarili ko na kapag nakuha ko na yung diploma ko, kakalimutan na kita. Hindi kita isasama sa susunod na chapter ng buhay ko. Kasi gusto kong matahimik na ulit yung buhay mo, gusto ko na makatayo na ulit ako na ako lang, gusto ko na maging masaya na tayo parehas. Ang labo alam ko. Pero gusto ko lang na ibalik sa yo yung tahimik mong buhay ko bago ko ininvade ito. HAHA.

And hindi ko nga suguro natupad yun last week pero ngayon, promise tutuparin ko na. And promise rin never na ulit kitang guguluhin.

Pero mamimiss kita.
1. Mamimiss ko kung gaano kahaba yung pasensya mo at yung pagiging mauunawain mo.
2. Mamimiss kong hindi ka nagagalit sa kin kahit lagi kitang binibigyan ng sobrang daming rason para sumbatan ako.
3. Mamimiss ko yung pagsasabi mo ng okay lang, kahit alam kong hindi naman talaga okay lang.
4. Mamimiss kong mag-alala para sa yo sa tuwing pagod ka o hindi ka okay.
5. Mamimiss kong hanapin yung pangalan mo sa contacts ko o sa YM list ko.
6. Mamimiss ko yung mga kaibigan mo na sobrang bait para maging tulay ko.
7. Mamimiss ko lahat ng katangahang ginawa ko para sa yo.
8. Mamimiss kong makasalubong ka o sadyaing makita ka.
9. Mamimiss ko kung paano mo ko napapatawa kahit di mo ko masyadong kinakausap.
10. Mamimiss kita - lahat ng tungkol sa yo.

Masarap kang magustuhan kasi hindi ka nagagalit e. Kasi sumasagot ka ng tama. Kasi pinapakita mong masaya ka kapag masaya ako at nakikidalamhati ka kapag malungkot ako. Kasi masyado kang mabait kahit alam kong gago ka. HAHAHA. Kasi hindi kita matiis kahit lagi kong sinasabing hindi na kita kakausapin ulit. Kasi ikaw yan e. And hinding-hindi ko makakalimutan lahat ng tungkol sa yo.

Hmm, sana naging kaibigan na lang kita. Alam kong ilang ka pa rin. Pero mamimiss kita.

Link | Leave a comment {2} | Share

PARANOID MUCH?

Apr. 2nd, 2009 | 01:15 pm

Well, medyo matagal na kong di nag-uupdate. Wala naman kasing nangyayaring important sa buhay ko. Or meron pero tinatamad lang talaga akong mag-update. HAHAHA. Tsaka nagmomovie marathon and online job hunting ako kaya tinatamad na rin akong magblog. Anyways, feeling ko worth-blogging to kaya isusulat ko. HAHAHA

Another paranoid moment. Kung friend kita, alam mo na mabilis akong mapraning. Tsaka usually, tama kutob ko e. May pagkacurious ako sa mga bagay-bagay kaya napapansin ko kung ang isang girl ay may gusto sa taong gusto ko. With the power of technology and yung ibang tao na hindi nakaprivate ang mga social networking sites like plurk and multiply, wala ng lusot yun. HAHAHA.

Anyways, I came across a plurk accout. Yeah, plurk account of someone. Dahil wala akong ginagawa, binasa ko yung timeline niya. And isa ko ring friend ang nagbuko sa girl sa sarili niyang plurk account. Ah basta yun na yun. E mag-1 am na. So tinext ko yung crush ko tsaka yung friend niya, pero malamang di na sila nagreply. Tapos nag-YM din ako sa isa naming common friend and ang sabi niya, "Mukha namang hindi type ni *tooot* yun e!" Pero syempre, praning pa rin ako.

The entire night akong di nakatulog. As in napapanaginipan ko yun ah. This morning, maaga akong nagising kasi sinamahan kong mamalangke mom ko. So pag-uwi namin, tinanong ko na talaga sa kaniya ng diretso. Nahihiya man ako, tinanong ko pa rin siya. Nice-nice guy naman yun e. HAHAHA. Tapos nagreply siya and yung friend niya!

Friend: Oh wow! Haha.. I dunno kung crush ni girl si guy.. But I dnt tink type ni guy c girl hehe. Paranoid ka! -- Yeah, paranoid talaga ako! Thanks for bearing with me today :)

Pero eto talaga nakapagpasaya sa kin at finally natahimik na ko. HAHAHA

Crush: Yupyup. Haha. Alam ko na gusto nya ko pero di nya alam na alam ko. Haha. Pero di ko sya gusto eh. Hehehe

And that's the best text message I have ever received this day! HAHAHA. Oo, alam ko na hindi porke't di niya gusto yung girl, gusto na niya ko. Malamang hindi niya ko gusto di ba? Pero atleast di niya rin gusto yung girl na di naman masyadong kagandahan. Oops, di lang sa kin nagmula to ah. Sabi ng isa naming common friend nung tinanong ko siya kagabi:

Ako: Maganda ba?
Common friend: Hindi

See? Hindi sa kin nagmula ah. Di ko pa naman siya nakikita e. HAHAHA. Pero naniniwala ako na hindi siya gusto ni crush, so okay na ko :)

But I hate msyelf for two things:
1. Kasi dapat di ko na siya kinakausap kasi nagtatampo pa rin ako sa kaniya sa hindi niya pagpunta last Saturday. Pero kinausap ko na naman siya today.

2. Kasi nagseselos na naman ako :|:|:| -- " I am not jealous ah. Or maybe I am. Or not."  -- Grabe, ang labo ko!!!

Sa lahat ng naistorbo ko, super sorry talaga!!!

Nyek ok lng nuh.. Praning ka na naman hahaha
 




Link | Leave a comment | Share

Grad Dinner

Mar. 28th, 2009 | 08:27 am

Grad dinner ko today and super masaya ako! HAHAHA. Kasi feeling ko andito lahat ng taong mahalaga sa kin except sa ilang taong inaasahan kong pupunta. Gets ko yung mga nagsabi before hand na hindi na talaga pupunta pero yung mga late na nagsabi, nakakainis talaga! Hindi naman sa nagdedemand ako. Pero gets? Alam mong mahalaga ka tapos alam mong yung presence mo mapapasaya ako ng bonggang-bongga pero di ka pa rin pupunta. NAKAKAINIS LANG TALAGA!!!

Rundown lang ng mga taong pumunta:

FAMILY:
1. Lolo Ben and family
2. Lolo Dandoy and Family
3. Lolo Rene and family
4. Tito Oscar and family
5. Tita Eve and family
6. Tita Ine and Ate Loida
5. Tita Edna's kids
6. Ate Jenny and family
7. Ate Lenlen and family
8. Tita Grace and family
9. Tita Weng and family
10. Tito Eden and family

BLOCKMATES:
1. Dot and Lots
2. Kez
3. Glenn
4. Tope
5. Espi
6. Juan
7. David

BATCHMATES:
1. Casey
2. Ces
3. Jin
4. Cathy

FORMER FRESHIES (S2 2010)
1. Francine
2. Mark
3. DJ
4. Robee
5. Igop
5. Tec
6. Mei
7 Jeko and Trish

MIS 2010
1. Ralph
2. Tommie
3. Karen
4. John
5. Ryan

HIGHSCHOOL FRIENDS with FRIENDS
1. Hannah and Mark and Lee
2. Jene and Jom
3. Joy
4. Millie
5. Jenny

And kay Jester! Super duper thank you! :) Alam kong galing ka pang Bulacan and all at may duty ka pa sa Pasig ng 10 PM pero pumunta ka pa rin! Super duper naappreciate ko talaga! Sabi ko na nga ba di mo ko matitiis. HAHAHA. Thanks sobra!

Sa daddy, mommy and sa kapatid ko, super salamat sa lahat! :)

At sa yo, never akong nagreklamo sa tuwing hindi mo ko kinakausap, pinapansin, at nirereplyan. Never akong nagreklamo sa tuwing NR ka or wala kang paki, never akong nagreklamo nung hindi ka kumain ng pizza na binigay ko para sa SAD group mo. Hindi ako nagreklamo kasi sa lahat ng yun, ginawa ko yun ng walang hinihintay na kapalit. Ganun ka kahalaga sa buhay ko. Pero eto lang yung kaisa-isa kong hiniling from you. Eto lang talaga. Pero bakit di mo kayang gawin? Dahil dito, hindi ko alam kung magagawa ko pang wag magreklamo. Yun lang. Tanging yun lang talaga. Pero wala e. Sobra ka na. Sobra na talaga. Siguro nga dapat di ako nag-expect from you ng sobra. Masyado lang masakit.
 


Link | Leave a comment | Share

BATCH 2009 NOW SIGNING OFF :)

Mar. 27th, 2009 | 09:40 am

Masyado akong maraming gustong sabihin! Pero tinatamad na kong magkwento dahil pagod na rin ako plus kulang pa sa tulog and all. And ayoko pang maging emotional sobra. HAHAHA. Let's reserve that after my grad dinner tomorrow :)

Narealize ko na wala akong pic na solo na nakatoga ako. Kamusta naman yun di ba? May solo pero nakadress ako e (ang tanging exposure ng grad dress ko na super excited akong suotin) HAHAHA. Pero naisip ko, may grad pics naman ako e. Okay na yun. Kasi yun naman purpose ng grad di ba? To share it with the people na naging malaking bahagi ng apat na taon natin.


The people I love most in this world! Thanks for allowing me to be at the Ateneo! I had fun! Really :)


For being the best sister in the world! Para namang may choice ako di ba? HAHAHA. For being my all-nighter buddy, my trayk-mate, and the person who always believes that I have achieved a lot during my College days, di kita papabayaan pag nagkawork ako! I love you! And study well. Kahit wala ka ng makakasamang magpuyat at magreview at gumawa ng papers, kaya mo yan! :)



DISCS will always be special to me because of these people. Walang katulad niyo! Papakinggan ka kapag nagpapanic sa grades mo, sa plagiarism issue, bibigyan ka ng tissue kapag umiiyak ka, papatawanin ka sa lahat ng pang-aasar, papaluin yung braso ko kapag nakasleeveless ako, bibigyan ka ng career and love life advise, iaapply ang PM sa paghahanap ng bf sabay sasabihing, "Pano ba yan, project failure ka na naman?", pipirmahan ang slip mo para magamit ang IBM room the day na nagreserve ka, papayagan kang magsit-in sa defense ng crush mo, papayagan kang magproctor ng OS exam ng crush mo, papayagan kang makita ang OS grade ng crush mo, magsusulat ng bday message para sa crush mo, tuturuan ka kahit di mo naman talaga nagegets, crossword puzzles, programming, lahat-lahat na.

SYET! Sabi ko tinatamad ako e. HAHA. Pero kahit hassle magmemorize ng slides, masaya ako sa DISCS. Sobrang the best mga tao dito and sabi ko nga kina Sir Pao kanina, "Alam ko namang mamimiss mo kami e!" Sabay sagot niya, "Oo na!"





Masaya rin ako na andun si Sir Maguyon (the yellow one). Favorite prof ko sa major subjects! As in nung nakita ko siya pagdating namin ni Kim sa waiting area, gusto ko talagang maiyak (okay, umiiyak na ko now). Kasi kay Sir Maguyon ako natuto ng bonggang-bongga! Prof ko siya sa CS 150 and CS 161. And super galing niya na kahit wala siyang attendance, hindi ako tinamad pumasok sa class niya ever. Tinuro niya sa kin na hindi enough na binabasa ko yung slides. Di nakasulat lahat sa slides niya kaya nakikinig akong mabuti. Tsaka lahat ng sinasabi niya may sense e. Those analogies. Kahit hindi matataas nakuha ko sa kaniya (I got a C+ both), sobrang love namin siya! And super di ko siya makakalimutan ever! :( Thanks for being there today! I am sure the entire batch appreciated your presence :)

Sir Maguyon: O pano ba yan Rach, graduate na? (sabay hug!) We love you! And we learned a lot from you! :)

And nung paakyat na kami sa stage para magpapic ang mga MIS, I saw my favorite theo prof together with Fr. Z -- Si Sir Mendoza (the red one)! Ang bonggang-bongga kong Th151 prof! Ang prof na nagsave sa kin from Clamor and Rosana. Ang prof na hinahayaan kang magdecide ng sarili mong kapalaran tuwing orals niya. Ang prof na mahalaga yung sasabihin mo at hindi lang ang sinasabi ng libro. Ang prof na pinakinggan ang bawat salita na lalabas sa bibig ko, kahit English or Tagalog, sa tuwing nasa consultation room niya ako. At ang taong itinaas ang grade ko from B to a B+. Sobrang mahal ko tong prof na to! Dahil sa kaniya, naniwala ako sa goodness ng tao :) Na may mga taong kayang magbigay. As in never kong makakalimutan yung araw na nakiusap ako sa kaniya at yung araw na nakita ko sa AISIS ang grade ko! You are such a great guy Sir! Sana maraming kagaya mo sa real world! Mamimiss kita! :)

 


Ateneo will never be the same without my blockmates. Tama si Kim, ang galing-galing kasi parang magkakasundo na talaga tayong lahat to begin with. Nagkahiwalay man tayo last year, nasave pa natin kahit papano ang block natin. Masaya sobra. Sa lahat-lahat ng pinagsamahan natin, never ko kayong makakalimutan ever! Kahit ang konti na natin at tayo na pinakakonti sa lahat ng blocks sa batch natin, mahal na mahal ko pa rin kayo! Masarap maging S3 dahil sa niyong lahat! The best kayo! :)

 



Yes, ayaw naming umalis ng stage kanina! HAHAHA. Iba kami e! As in siniksik namin sarili namin para magkapic ang MIS 2009 sa stage! :)) Same people na nakasama ko through MIS RFP, OS, CS 150, SAD, PM, Accounting, Marketing, Finance. Kahit iba-ibang blocks, at the end of the day, kami pa rin naman ang magkakabatch e. Masaya sobra! :) Hindi ko maexplain kung gaano kasaya e, sabi nga ni Pao kanina, "Masaya lang kasi ako masyado!" And yeah, masaya sobra! Masaya na sila yung kasama kong tumanda sa Ateneo. Na marami diyan naging crush ko nung bata pa ko (1st year) pero ngayon friends ko na lang silang lahat. Na yung iba diyan nakasama ko sa mga subjects ko dahil laging mataas random number ko. Yung iba diyan, pinakinggan ang mga walang kwenta kong kwento.

Same people na kasama kong magcram, mag-aral at tumambay sa fack sa loob ng isang taon! :) Magkikita pa naman tayong lahat di ba? :) Sana! Sana! :) Kitakits sa real world dala ng lahat ng natutuhan natin sa MIS lalo na sa PM! :))

 


Boooo! Wala na naman si Glenn sa pic! Pero kunwari na lang andyan si Glenn. Hindi ko alam kung saan nagsimula ang SIXpings or ANIMagination, pero masaya ako na part ako nito! Kahit may pagka-cliquish tayo minsan, super the best pa rin kayong lahat! :) Mula sa pagiging parehas ng mga PEs natin (futsal), to being color-coordinated ng mga damit natin, for being the same people na una kong naiisip kapag barkada sa College ang pag-uusapan, for all our SAD and PM deliverables and all the other DISCS projects, for being the same people na present sa mga MISA events, from LnD participants to MISA BETA, for our arcades, Greenwich during our NSTP days, Ms. Sunday's students, out-of-town trips, yung pagsama sa king habulin ang crush ko from Bel to Matteo, for being the people na nanonood ng Taiwanese and Korean novelas, from My Girl to Princess Hours to Fated to Love You, for our Gossip Girl and OTH TV series, for bringing an extension and a printer during PM exams, for our D4 study moments, for being a stage friend, from my TnT interviews to my Theo project, for always staying with me na maghintay ng crush ko, for proctoring with me kahit wala naman kayong mapapala don, for always understanding me, for being my seatmates on our first 2 years (sa unahan pa tayo laging uupo!), for signing up for my orals, for all the good lucks during exams, for accepting kahit sinong taong magustuhan ko, mahirap man or mayaman, for celebrating all my 4 birthdays with me, for going to Bulacan during my 18th birthday, for making sure I am fine after a major heartbreak, for hating all the people who broke my heart, for loving the people who make me feel inspired, for telling me the right thing to do, for staying with me against all those fight, for being my tutor or my clown when I am sad, for all the sarcasm and fake laugh, for never forcing me to drink when I don't want to, for being the kind of friends my mom loves so much, for all the defenses we have managed to go through, for all the PM cases na pinagpapasa-pasahan natin and iccheck na lang ng isa, for EVERYTHING! Masyado ng mahaba pa to pero masyadong mahaba pa ang gusto kong sabihin!

Alam niyo na yun! :) Uncertain pa rin ang road ahead pero naniniwala ako na kayang magsurvive ng friendship natin. SANA!!! Kahit hindi ko kayo makikita for April, we would see each other again! :) Maliit lang naman ang mundo di ba? Kayang-kaya yan! :)

Sabi ko maikli lang e, pero ginanahan na ko! HAHAHA.

BATCH 2009 NOW SIGNING OFF! :)

Link | Leave a comment {1} | Share

BIG DAY TOMORROW!!!

Mar. 26th, 2009 | 06:49 am

Yes, I know Graduations are overrated. Gets ko yun. Pero grad yun e. Kung big deal sa kin ang first days of classes, which is by the way, wala na ko non, big deal din sa kin ang mga goodbyes and endings like grad. Emotional ako sobra! And graduation is one of the occasions na may excuse para maging senti and maging sweet sa mga tao sa paligid ko.

Anong nafifeel ko? -- Rach is happy, sad, excited, confused, scared and all the other emotions near sadness and happiness.

Yung tipong ganun. I mean, tuwing hell weeks/months, ganito lagi niyong maririnig sa kin, "AYOKO NG MAG-ARAL!!!! AYOKO NA TALAGA!!!" with matching stressed looks pa yan ah. Yung tipong parang di nagsuklay at hindi natulog. Pero finally bukas, gagraduate na ko! I am finally saying goodbye to academic works! Well, maybe not. May plano pa kong mag-masters. But not anytime soon so ibig sabihin, hindi na talaga ako mag-aaral ulit. And honestly, I am going to miss it. Everything about it. Ewan ko. Kasi masaya e. Kahit nakakapagod and nakakastress, masaya pa rin e. Sobrang saya na sobrang mamimiss ko rin. Ayan na, umiiyak na ko :((

Tsaka ko na gagawin yung grad blog ko, baka mamaga pa yung mata ko bukas e. Pero yeah, kung naging parte ka ng buhay ko sa loob ng nakaraang apat na taon, never kitang makakalimutan! As in never! Salamat sa lahat ng masasayang memories kasama ka! Sa pagiging blockmate, batchmate, orgmate, EB-mate, BETA-mate, seatmate, cheatmate, crush, inspiration, bridge, karamay sa lahat ng emo moments, YM buddy, immersion mate, ORSEM crush, ORSEM buddy, forever classmate, plurk buddy, multiply contact, YM contact at sa maraming-marami pang panahon na ikaw yung nakasama ko.

Si Rach ako. Naaalala ko lahat ng bagay kaya sigurado ako na kahit sobrang liit ng part mo sa buhay ko, maaalala pa rin kita. Lalo na yung mga taong malaking role ang ginampanan sa buhay ko, sobrang hindi kita makakalimutan.

Mamimiss kita. Kung sino ka man. Sa dinami-dami ng pinagsamahan natin sa College, wala namang reason para makalimutan kita e. Oo, ikaw. Kung sino ka mang nagbabasa ng blog ko ngayon.

Masaya sa Ateneo. Sobrang saya sa MIS. At never kong makakalimutan ang Faura at Fack at Tech Support at DISCS. Hindi ko nakuha yung course na gusto ko pero sumaya ako at gumawa ako ng tamang desisyon 4 years ago.

Nakakatakot. Natatakot ako sa buhay sa labas ng Ateneo. Pero kakayanin! Wala naman akong choice di ba?

Basta, salamat sa lahat-lahat! Sobrang hindi enough yung words para masabi ko kung gaano ako kathankful ngayon.

And kung nagsabi ka ng pupunta ka sa grad dinner ko, you can't back-out! Masyado ng maraming importanteng tao sa buhay ko ang nagbaback out e. Please, wag ka ng sumunod?

Will sleep now! Graduation tomorrow! Hello umeployment! Hello real world! Please be nice to me and to the rest of my batchmates!

Link | Leave a comment | Share

Blue Roast and the blue rose

Mar. 26th, 2009 | 01:57 am

Blue Roast kahapon or around 2 hours ago. HAHAHA. Okay siya, tinatamad na kong magbigay ng details pero ayun. Badtrip umulan. Okay na sana kaso umulan pa :| Lecheng ulan! Nung bonfire, umulan. Ngayon blue roast, umulan na naman! And to think summer na ah! SUMMER!!! Pero bakit sa dinami-dami ng araw na pwedeng umulan, bakit ngayon pa? At super late na binigay mga blue rose. Ang hirap na tuloy humanap ng tao na gusto mong bigyan!

Nagstay kami sa Gesu bago matapos ang Blue Roast. Medyo decided na ko kung kanino ko siya ibibigay. Sa kaniya! Oo, sa kaniya. Sa kaniya na first year pa lang sobrang gusto ko ng makilala. Sa kaniya na inggit na inggit ako kay Dot dahil English blockmates sila plus group mates pa plus nakasakay na sila Dot sa car niya. Sa kaniya na kapag nakikita ko parang kinikilig at punong-puno ng butterflies ang stomach ko. Sa kaniya na super duper crush ko talaga kahit alam kong never ko siyang makakausap or magiging ka-close. Tipong ganun. Although tinitext ko siya ng hindi nagpapakilala, pero gets? Iba pa rin kung magkakaroon ako ng chance na makausap siya kahit once or makakapagpapicture kasama niya for one last time. Yun na yung last chance ko. Sabi ko pag nakita ko siya, sa kaniya ko na talaga ibibigay. Pero di ko siya nakita e. So tinext ko siya.

Rach: Umattend ka bang blue roast?
Mr. Crush: Oo nsa may stage ako, bkt?

Loser ako kasi di ko siya pinuntahan! Yun na yung chance ko. Yun na yun e. Pwede naman niyang sabihing oo. Yun lang. Pero hindi e! Sinabi niya kung nasaan siya. Pwede ko na siyang puntahan and magpakilala and ibigay ang blue rose ko sa kaniya pero hindi ko ginawa e. Kasi naduwag ako, kasi natakot akong mapahiya, kasi masyado siyang gwapo and nice and lahat-lahat na. Kasi masyadong nalost yung utak ko. Oo, LOSER AKO!!! And nakakainis kasi pag naglook back ako sa blue roast ko, makikita ko kung gaano ako kaloser :| I missed my chance forever! Kasi di ko siya makakasabay sa grad so di ko na siya makikita ulit :( Too bad. Oh well, di raw meant to be.

*****

My happy crush's plurk: Worst 2nd sem

I just felt bad. Wala lang. Kasi ito yung best 2nd sem ever ko. And lahat ng 2nd sem ko better than all my 1st sems. Yung tipong ganun. Bakit ba hindi pwedeng maging masaya rin siya? Para parehas kaming okay? Bakit kailangan maging mahirap ng OS? Bakit kailangan siyang mabadtrip? Bakit kailangan mahirapan siya? Bakit kailangang maninis siya? BAKIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIT????

Bahala ka na nga, nakakapagod na sobra e. Bonggang-bongga na lahat ng nagawa ko. Tama na! Maawa naman ako sa sarili ko. And salamat sa lahat! :)
 

Link | Leave a comment {1} | Share

On Fated to Love You

Mar. 24th, 2009 | 12:00 am

"I will show you that you don't need conditions to show your concern for someone." -Chen Xin Yi -- Cindy daw siya sa Ch7 :))

Nakakaaddict siya, seriously. 3 Taiwanese and Korean Novelas lang ang napapaiyak and napapatawa ako:
1. Princess Hours
2. It Started with A Kiss 2
3. FATED TO LOVE YOU :)

Okay ang mga Taiwanese novelas kasi nakakaaliw e. May mga unrealistic parts pero mas marami ang nangyayari sa real life. Kwela, nakakaiyak, nakakainlove - perfect match! :)

And yeah, tama si Xin Yi/Cindy, in loving someone, hindi kailangan may conditions. Mas masarap magmahal ng walang kapalit, ng walang hinihintay ng kahit ano. Yung alam mong nagmamahal ka lang. Yung tipong ganun. Ang sarap ng feeling non kasi walang expectations from the other, kaya wala ring disappointments, wala ring away, dependency and emo moments. Kasi nagmamahal ka lang.

Pero syempre, minsan kapag nagmamahal ka ng walang kondisyon, napapagod ka rin. Hindi madaling magmahal ng walang nababalik kahit konti sa yo. Nakakapagod, take it from me.

Sabi nga ni Cathy sa kin, "Kung ako nasa lugar mo, nakakapagod talaga!"

Oo, nakakapagod. Sinabi ko bang hindi? Sobrang nakakapagod minsan. Pero sabi ko nga sa kaniya, kaya nga once in a blue moon, lumalayo ako e. Kasi kailangan kong magpahinga. Kailangan mabuo ulit yung energy para makapagmahal ulit. Minsan napapagod ako sa mga ginagawa ko para sa kaniya. Ikaw ba naman nasa lugar ko, di ka kaya mapagod? Pero minsan lang naman yun e. Tsaka choice ko naman yun. Walang pumilit sa kin. Kaya kahit nararamdaman ko yun paminsan-minsan, go lang ng go! :)

Never niya kong tinext na siya ang nauna, never niya kong ni-YM na siya ang nauna, never niya rin akong kinausap sa personal na siya ang nauna. Pero ganun talaga e. Tinanggap ko na yun. Kasi for the first time sa buhay ko, nagkagusto ako ng walang kondisyon, ng walang inaasahan, ng walang hinihinging kapalit. Ewan ko ba. E sa ganun e. Pero promise, okay siya! :) Pero dapat lang alam mo kung kailan tama na. Lahat naman ng bagay may limitasyon e.

Malapit na kong tumigil. Malapit na rin akong mapuno. Malapit na kong sumuko. Hindi dahil pagod na pagod na ko. Kung pagod lang naman, madaling solusyunan. Kundi alam ko sa sarili ko na tama ng sinubukan ko. At least kahit project failure ako sa huli, naging masaya yung last 3 months ko sa College. Masaya ako nakilala ko siya. And masaya ako sa tuwing masaya siya and naiinis ako sa tuwing malungkot siya. Hindi ko siya makakalimutan kasi ganun e. Kasi tinuro niya sa akin na kaya ko palang magbigay ng walang hinihintay na kapalit. At kaya kong maging masaya ng hindi dinidepende sa ibang tao yung happiness ko.

Hindi ko siya makakalimutan kasi sobrang the best niya and the best din mga friends niya. Naging masaya ako sa lahat ng bagay na nagawa ko for him.

Link | Leave a comment | Share

On Status Messages

Mar. 22nd, 2009 | 06:07 am

One thing I've learned about Cathy (yes, natuto ako kay Cathy) is that people would PM you based on your status messages. HAHAHA. That's why a lot of people would put a sad face, or a badtrip phrase :))

Pero naisip ko lang na minsan totoo naman talaga yun e. Na napapansin ng mga tao ang ibang tao based sa nakalagay sa status messages nila. Kasi basically, yun yung nafifeel nila di ba? Or yun yung ginagawa nila. Pero hindi lahat ng status messages catchy. Minsan kahit catchy siya or sad yung tone niya or kahit badtrip ka pa, yung mga taong gusto mong mag-PM sa yo, di ka pa rin pinapansin. Pero naisip ko lang kanina na who cares di ba? I mean, e ano kung di ka nila pansinin. Ibig sabihin lang non wala silang paki sila. Pero ano kung wala silang paki sa yo di ba? May mga tao na pagkalagay na pagkalagay mo palang non, i-YYM ka na. And one should take note of these people. Why? Kasi may pakialam sila. Kasi nagccare sila sa nafifeel mo. Or baka naman chismosa lang talaga sila? Ewan ko.

Pero naisip ko lang na mahalaga na pahalagahan natin yung mga nagpapahalaga rin sa nararamdaman natin. Na kahit gaano sila kabusy or kadaming ginagawa, mahalaga sa kanila kung kumusta ka na. Sila yung mga mabubuting kaibigan and mahirap humanap ng mga ganung klaseng tao. 

Wala lang. Naisip ko lang. Kasi ako kapag may malungkot siyang stat message, kahit ayoko na siyang pansinin at kahit sobrang asar na asar ako sa kaniya, di ko pa rin siya matiis e. Siguro ganun lang talaga yun.

So if ever may nakita kang sad na stat message, whether papansin lang or talagang ganun nafifeel niya and kung nagccare ka lang talaga sa kaniya, go click his or her name! And kahit hindi ikaw yung gusto niyang mag-PM sa kaniya, I am sure maaappreciate ka niya ng bonggang-bongga! :))

":( NAIINIS AKO!!!"

Or not? Because at the end of the day, I still have people who will ask me what's wrong and no matter how busy they are, they still care :)

Link | Leave a comment | Share

On Lance's lunch, being witth friends, S3 boys, St. Jude's and Alex Lay

Mar. 19th, 2009 | 10:11 pm

Kakaiba ang araw na ito! Oo! Kakaiba. One of the most memorable Thursdays of my life :) I can't believe na nangyari lahat ng nangyari today. Ang eventful ulit ng buhay ko! HAHA. I love you social life! :)

9.30 na ko nagising. Grabe ang aga for a bum like me. Yung tipong nagulat ako na 9.30 na. 11.30 kasi usapan namin nila Kim. E 1 hour byahe from our house to school tapos 1 hour ako nagpprepare. So tipong sakto lang.

Tapos punta ako sa Matteo up. Mineet ko sila Mark and sila Carl Co. Nagbigay ako ng grad dinner invitations ko. HAHAHA. Grabe naisip ko ang dami ko ng nabigyan ng invitations. Naka-45 na ata ako sa lahat ng nabigyan ko. Tinext ko dad ko after kong magbigay ng mga invitations, "Daddy, around 60 na ata bisita ko. May highschool friends pa ko e. May papakain naman ako sa kanila di ba? Haha. Dagdagan natin handa natin!" At di niya ko nireplyan! Okay panic mode. Kasi naman, yung kapatid ko may mga bisita rin. Yung kamag-anak pa namin. Tipong ganun. Pero gets naman ng dad ko na grad dinner ko yun. So malamang marami akong iimbitahan. Susme naman di ba? Dad, please, dagdagan mo yung food! HAHAHA

After 6 days, nakita ko ulit si Li! Yay! :) Saya-saya! Pero gets? Stressed pa rin siya. Tipong wala akong magawa para mas maging okay siya. Alanganamang magcode ako ng UNIX for him no! Or mag-SAD ako. Gets? Hindi ko naman pwedeng gawin yun for him. I'm so over those things. Di ko na kayang gumawa ng acads stuff! HAHAHA. So ayun, nakakasad din lang na wala akong magawa for him kahit gusto ko. Yung tipong wala rin kwenta yung moral support ko. Nakakairita! Nakakainis! Nakakapagod! :(

Tapos dinaanan na kami nila Kim and mom niya sa Prince. Ang saya-saya! Nakita ko ulit friends ko! Namimiss ko na sila! Super! OA I know, pero di ko na sila makikita after grad e. So ayun, quality time. Masarap talaga food kina Lance. HAHAHA. I love the food! Nakakataba na naman :(



Tapos balik kaming school. Sinamahan na naman nila akong pumuntang Matteo. Adik ako e. HAHAHA. Ang stupid ko talaga e. Dapat di ko na siya pinupuntahan pero di ko siya matiis e. Tapos nung nandun na ko, si Carl Co lang din naman kinakausap ko. Pero at least medyo gumaan loob niya nung nalaman niyang may soft copy ng past exams ni Asis si Kim. Yay for him! :) Makakabawi na siya sa Theo finals! Yay talaga for him! :) Sana naman makabawi siya. Kayang-kaya naman niya yun e. Duh! Si Li Ferrer siya! Malamang makakabawi siya! Pero kailangan lang wag na siyang madepress. Nakakastress kasi minsan kapag sad ang mga taong mahalaga sa tin! :|

Then, punta kaming MVP for Blue Roast tickets and pupuntahan namin si Ma'am Sunday. Nakita ko SAD group ni Bani - JC, Corn, Dardar and Jack. The same old people na loko-loko but can definitely make me laugh. Yung tipong ganun. Mamimiss ko rin yung mga sira ulong yun e. HAHAHA. Gumagawa sila ng SAD nila. Super busy nila. And sa Dardar, inspired pa rin! Yikee! :)

And then, punta na kong Recto to meet Jester, an old friend way back from highschool. Thursday ngayon and it's St. Jude's day! So magmamass kami. Kasama namin mga college friends niya. Super nahiya talaga ako sa kanila. E kasi 5 pm yung mass tapos saktong 5 din akong dumating. So malamang late na kami di ba? Kasi maglalakad lang kami hanggang St. Jude's.

Nung kasama ko na si Jester, pinapakita ko pa sa kaniya yung picture na binigay ni Kim and block pic namin. At eto napag-usapan namin.

Jester: Nakita ko si Lay sa McDo ah! (he was referring to Alex Lay, my first love way back in 2005. In took me 2 years to move on. Taga-FEU din siya and coincidently, nagkakilala sila ni Jester)
Rach: Ah talaga? Sayang naman di ko sila inabutan!
Jester: E kanina pa naman yun e.
Rach: Kahit na! So kasama niya gf niya?
Jester: Di ko naman alam istura ng gf niya e.
Rach: Alam mo ang weird, never ko siyang nakasalubong dito.

Dumating kami sa St. Jude's. Super daming tao! And late nga kami, tapos na yung homily pagdating namin. So sobrang nagulity na naman ako. Kasi nag-St. Jude's talaga sila every Thursday dahil sa June na board exam nila. So nakakagulity talaga. Tapos e di yun, tinuloy pa rin namin yung mass. Tapos maya-maya, bumulong na naman si Jester sa kin.

Jester: Si Lay andiyan!
Rach: Weh?
Jester: Oo nga, sa may side mo!
Rach: (titingin sa side ko) Syet! Oo nga no?

Grabe di ba? Aftter 2 1/2 years, it's Alex again! Last ko siyang nakita ay nung 18th birthday ko - August 11, 2006. Ilang taon na ko? Malapit na kong mag-21! Oo, ganun na katagal. And sa dinamidami ng tao sa Morayta at sa St. Jude's, nagulat talaga ako nung nakita ko ulit siya! Speechless. Grabe! Pero okay na sa kin kasi wala na kong naramdaman e. Steady na lang. Tipong ganun.

During communion, lumalapit sa harap sina Alex and yung gf niya.

Jester: Dadaan sila. Ayan na, malapit na sila.
Rach: Hindi ako lilingon. Hindi talaga ako lilingon!!!

And hindi nga nila ako napansin. HAHAHA. Okay fine, ligtas ako.

After the mass, may novena. And nagulat ako naglabas ng novena booklet si Jester. Wow naman! HAHAHA

Uuwi na dapat kami after naming magsindi ng kandila kaso gustong ulitin ng mga friends niya yung mass. Oo nga naman, useless na hindi namin narinig yung gospel right? So inulit namin.

Nung patapos na ang mass, nagtext ako sa mom ko. Sinabi niya sa kin bago ako umalis ng bahay kanina na wag akong magpapagabi.

Rach: Ma, nasa St. Jude's pa po ko ah!
Mom: Bat ka nagpagabi? Sinong kasama mo?
Rach: E nalate kami sa 5 pm mass e. Mga 7 pm po tapos na rin to. Kasama ko si Jester

Akala ko pag sinabi kong kasama ko si Jester, papagalitan niya ko. HAHAHA. Last Thursday kasi di niya ko pinayagang lumabas si Jester. And napapansin niyang lagi ko siyang kasama lately kasi sinamahan niya ko last last week nung naghahanap ako ng plaques for Stellar e. So, medyo alam ko na magagalit siya or magtataka na kasama ko na naman si Jester. And nagulat ako sa reply niya!

Mom: Ingat!

Ingat? Ingat lang sasabihin niya? Nasan na yung sermon? HAHAHA. Nice one mom! The best ka talaga! :)

Tapos nagsindi na kami ng kandila. Wala na yung iba-ibang colors depending sa intention. 2 colors na lang - brown and white. Grabe, ang tagal na nga mula nung last time kong pumunta don! And take note yung last ay yung last time na nakita ko si Alex. Ganun na katagal. HAHAHA

So pauwi na kami. Tapos nag-uusap na naman kami ni Jester. Malamang di ba?

Jester: Sanay ka bang umuwi ng gabi?
Rach: Oo naman!
Jester: Sure ka ah?
Rach: Oo nga sabi!

Duh! Hindi lang niya alam na nung PM time namin, 11-12 na ko umuuwi sa bahay namin. And take note ah! Commute pa yun! HAHAHA

Tapos naglalakad na kami papuntang sakayan. Tapos tapos, eto ang nangyari:

Jester: Si Elaine nasa likod natin.
Rach: (lilingon) Huh? Si Elaine? Nasan? -- a high school batchmate
Jester: Hindi kasi Elaine, Lay kasi!
Rach: Talaga? (lilingon ulit and makikita sila)
Jester: Kita mo?
Rach: Oo! Grabe namang coincidence yan!
Jester: Malamang! Maliit lang naman Morayta e!

Tapos nagstop kami kasi kinakausap ni Jester friends niya and kung saan niya sila pupuntahan after. So overtake sina Alex. And di niya ko tiningnan ah. Well, ako rin naman. Pero nag-hi siya kay Jester! Grabe ang payat niya na and mas pumangit siya. Stressed sa Nursing! HAHAHA

May picture nila ako dahil nasa unahan na namin sila. Di ko pa lang nalilipat sa laptop ko. Talk about being a stalker. HAHA

*****
Random Thoughts/Lines:

"Kung ayaw kitang masaktan, e di sinabi ko ng layuan mo si Li matagal na!" - Lance
- So masasaktan talaga ako sa ginagawa kong to? HAHAHA. So gusto akong masaktan ni Lance? Joke Lance! Alam ko namang masasaktan ako eventually sa ginagawa ko e.

Ngayon, masyadong nagmamatter yung group sa YM ko na nakalabel as "MIS". Yup, MIS in all ages. HAHAHA. Hindi lang batchmates ko. Kundi mostly Juniors. Well, iba yung group ng S2 2010. Syempre freshies ko sila. Pero nagmamatter yung MIS group kasi andun si Li and yung iba pa. Dun ko nalalaman anong nafifeel niya, anong mga deadlines nila. Yung tipong ganun. Para updated ako. Pero 6 months from now? Titingnan ko pa rin kaya yung pangalang yun? Or yung group na yun? Kasi ngayon, habang tinitingnan ko YM list ko, napansin ko na marami akong YM friends under sa group na "ADMU" na past crushes ko e. Pero di ko na napapansin kung OL sila or hindi, or kung anong ginagawa nila or anong avatar nila.

6 months from now, ano na kaya ang mahalaga?

Hay. Ewan ko. Ayoko ng mag-isip! HAHAHA. Masyado na tong mahaba!

 


Link | Leave a comment | Share

On his Theo orals and Inspiration

Mar. 17th, 2009 | 04:54 pm

Pumasok si Roan ngayon (malamang) and umuwing Bulacan ang mama ko. So malamang, ang ending mag-isa ako :| Anyways, ilang hours after umalis mom ko, tumawag siya. And tinatanong niya ko kung hindi raw ba ko nalulungkot kasi mag-isa ako. HAHAHA. And I said no. Pano ba naman kasi ako masasad di ba? Ang lamig ng panahon, masarap magstay sa bahay, ang comfortable ng room ko, kung uminit man, may aircon din naman ako, may internet plus may series marathon ako ng Privileged and Fated to Love You. Ano pang right kong maging sad di ba? Ang weird talaga ng nanay ko minsan :|

Kagabi, super nagwoworry ako sa results ng Theo orals ni Li. Sabi ko kay Cathy, di ko siya kakausapin for the entire week. Pero pinilit ako ni Cathy na itext siya. Hindi siya nagreply. So mas lalo akong nagworry. Pag-uwi namin galing kina Nicole, nag-open ako ng YM, nag-open ako ng plurk and dun ko nakita yung reason kung bat di siya nagrereply. I actually felt bad for him. Ewan ko. Alam ko kasi kahit anong gawin ko, hindi siya magiging okay. 

Oh well, dahil nasa bahay ako nung nakausap ko si Li sa YM at nasa sala ako during that time, hindi ko maiwasang hindi ishare si mom ko. At eto yung conversation namin:

Rach: Grabe ma, kawawa naman si Li. F siya sa Theo orals nila.
Mom: Talaga? Bakit daw? Ang sama naman ng prof niya!
Rach: Oo nga e. Nakakainis talaga si Asis. Well, di ko siya naging prof pero alam ko mean siya pag orals.
Mom: Ano raw bang nangyari?
Rach: *insert YM conversation with Li*
Mom: Bawi na lang siya sa Finals. Kaya pa niya yan!

Yung mom ko talaga may favoritism. Si Carl non kahit sobrang down dahil di niya naabot yung DL grade last sem, hindi siya nasad for him e. Pero kay Li parang sobrang naawa siya e. Ang daya talaga niya! As in before, kontra na agad mom ko e. Pero kagabi, as in nagtanong pa siya kung anong nangyari, bat di raw niya nasagot, okay na raw ba siya. Tipong ganun. Nice one mom! :)

*****

Nakita ko sa plurk ni Dardar last night na wala siyang ganang magcode kasi apparently, yung inspiration niya ay hindi nag-online the entire day yesterday (ata?). Tapos kanina, nakita ko na may plurk si JC that he needs an inspiration.

Sa dami ata ng ginagawa ng mga juniors na to kaya kailangan nila ng inspiration. And why do we need inspiration? Maybe because they are the people that keep us going. It is doing something for them kaya mas madaling gawin yung mga bagay-bagay. Yung tipong alam mo na hindi lang for academic requirement kaya mo ginagawa yun. Hindi ko maexplain e. Pero napansin ko sa buong College life ko na matataas ang grades ko sa tuwing may super duper akong crush. Yung tipong ganun. My highest QPIs are those semesters na sobrang inspired talaga akong mag-aral because of certain individuals. Kaya siguro naghahanap ang mga tao ng inspiration.

ES (2nd year - 2nd sem) - 3.09
Carl (4th year - 1st sem) - 3.29
Li (4th year - 2nd sem) - 3.33

See? Kapag kasi inspired ka, mas gusto mong mag-aral. Ako kasi ganun e. Ayokong sisihin ng mom ko yung mga crush ko kung bakit ako distracted or whatever. Ayokong isipin ng mga tao na umiikot ang buhay ko sa mga taong yun kaya nag-aaral akong mabuti. Yung tipong ganun. Or sa kin lang yun? HAHAHA

Pero iba talaga e. Iba ang nagagawa ng "Good luck sa finals! :)" PRICELESS :)

So I guess, maybe all people need inspiration. Go find yours! :) Masarap ang feeling, promise! :)

*****

And I guess I did not get everything mixed up. Akala ko lang pala. I am still in-like with guy A and guy B is still my friend :)

I am going to get something for Guy A aka Li. After his Theo orals and OS Project, sana naman mas maging okay na siya no! I am going to drop by Katipunan tomorrow if my time pa ko :)

Link | Leave a comment {2} | Share

(no subject)

Mar. 16th, 2009 | 09:33 pm


Link | Leave a comment | Share

From my proud sister! Yay!

Mar. 16th, 2009 | 07:46 am

My sister wrote this for me yesterday! HAHAHA :))

Nakuha ko to sa multiply niya -- http://roan12.multiply.com/journal/item/14/So_random.

my multiply account has been idle for a looooooong time now. At kahit may events na bago, wala akong mai-upload. e kasi katamaaad mag grab sa mga tao tao tapos isesave pa isa- isa tapos iuupload pa tapos maglalagay pa ng caption tapos description tapos ikukwento mo pa yung nangyari tapos rereplyan mo pa lahat ng comments sa bagong post na yun. o di ba di ba? 

obviously I'm bored. Bored. Bored. B-O-R-E-D. Not to mention my soon-to-graduate ate na araw-araw ginawan ng lakad ang buong linggo niya. Pa-ym ym na lang, pa-plurk plurk, patulog tulog. In short, she's finally off to anything related to school works! Done are the hell weeks of her life. Wala ng long exams at finals. wala ng readings, wala ng puyatan sessions. WALA NA KONG KARAMAY SA PAGPUPUYAT! yun yon. wala lang, kailangan lang talagang bigyan ng emphasis yung part na yun.

Masipag kasi talaga itong si ate, kaya niyang mag-multi-task. Kumakain habang nag-aaral, nagkukwento habang nagaaral, nanonood habang nagaaral. So ayun, lagi siyang nagaaral at malaking impluwensya siya sakin sa part na yun. :D So I guess I'm losing a lot ngayon na malapit na siyang grumaduate.

Yet, I know that there a lot of opportunities waiting for her outside school. Sabi nga ng isa kong prof, there are three things that you must DO during your college years

1. Develop your competency
2. Build relationships
3. and I forgot the third. (join orgs perhaps?)

And looking through ate's college days, o sige na nga, she accomplished all those three. And I am happy for her or to be more precise, I am definitely proud of her. Can't wait to finally see her wearing her toga and receiving her diploma. WEEE! although as of the moment, I'm pressuring her to go find a job already. Inaasahan ko siyang babayaran ang lahat ng bills at dadagdagan ang baon ko sa araw-araw. HAHAHA! Pero ate, really i was just kidding. I know kayang kaya mong diskartihan yan. But if you need someone pressuring you, andito lang ako. :D ok nakakasabaw na itong entry na ito.

I miss ate today, coz she's not home. Yun lang. *superthunderhug!*






Link | Leave a comment | Share

People I Love

Mar. 14th, 2009 | 12:08 am

2 of my most favorite people in the world!!!

March 12, 2009

Dahil gusto kong pumuntang school for some personal reasons and magthank you na rin sa Theo prof ko, at dahil tinatapos ni Cathy yung load rev niya for minor in Management, nagpasya na rin akong itext si Tope for our early dinner! :)) At kahit wala siyang car and wala na siyang pera, sumama pa rin siya! We love you Tope! :)) Tambay tayo sa soccer field next time, okay? :)

2.30 nasa school na ko, tambay sa fack hanggang hinihintay silang matapos sa KM class nila. Ang malas nga lang kasi they have to talk to Sir Olpoc regarding their case analysis plus their project. So wala, konting time lang! Hindi rin ako nakapag-hi sa kaniya :|

Went to Theo dept, saw JC, chika-chika. Tapos hinintay yung Theo orals niya. D siya! Yay for him! Akala niya raw kasi F na talaga siya. He loves Asis na! :))

Tumambay sa MISA room after. Saw thw S3 boys. Busy sila kakagawa ng Contempo and OS Projects. Super naaawa ako sa kanila pero di ko na maalala UNIX e. Although alam ko naenjoy ko yun non and may part ako sa paggawa ng project namin. Magaling kasi si Maguyon e. And memorable din yung OS exam ko last year kasi bitter ako non kaya may gusto akong patunayan sa acads. HAHAHA. Hindi naman sa pagmamayabang, pero 90 ako that time! :)) Pero yun nga, super naawa ako sa kanila. Mukha silang stressed e! :( Pero we had fun kasama sila! Dami naming nalaman! :)) I love, love S3 2010 :)) Ang fun kasi talaga nilang kasama.

Early dinner sa Wok with Tope and Cathy. May isa pa kasi siyang dinner. Gumagawa kasi ako ng new memories e :)) Sisig + pinakbet + iced tea + 2 good friends = LOVE :) Gagawin pa rin natin to ah! :)
 
 

4 years of MIS and friendship! I love you S3 blockmates! :)

March 13, 2009

Sinong nagsabi na malas ang araw na ito kasi Friday the 13th? Well, hindi! Eto yung isa sa pinakamasasayang araw ng buhay ko :) It started out right. Well, medyo wrong pero eventually naging right din :))

Tinext ko si Carl Co asking him kung nasaan sila ni Li. Sabi niya papunta raw Matteo up. So punta naman akong Matteo up di ba? Pagdating ko don, si JC plus Ryan and blockmates ang nakita ko. Tinawagan pa ni JC si Li para lang malaman kung nasaan sila. Apparently, nasa Open Lab sila sa Faura. Ang init di ba? Plus late na ko sa lakad namin, pero sige lakad pa rin. Init na init na ko ah! Pagdating kong open lab, si Lance una kong nakita, tapos si Robee. Tapos ayun, binigay ko na! :) Nakita ko siya! YAY! :) Hindi ko kasi siya nakita kahapon! Ayun, naglalaro lang siya instead na nag-aaral. E kung dun ba siya masaya di ba? Saw Karen, DJ and Francine too. Ay pati na rin pala si Carl Co and Siongco. Pero ayun, di ko na sila nakausap kasi hinihintay na ko nila Kim :)

Pumuntang SOM mall after kasi dun nila ako dadaanan. Love, love, love my girl friends! :) Dinaanan na talaga nila ako since ako na lang ang wala. Ang pasaway ko talaga! Kwentuhan to the max! Parang one million years kaming hindi nagkita :)) Ang dami naming kwento! Miss them na agad! :)

Stayed at David's to play Wii and Rockband. Love, love, love Wii! :) Ang bait ni Alphi sa pagdadala ng Wii and Tope for the extra controller! :)) Had fun! :) Nakakatawa yung boxing match tuwing si Espi naglalaro. Nakakatawa yung pagiging magaling ni Dot sa suntukan and ni Tope and Alphi sa balls. HAHAHA. Nakakatawa na natatalo ni Dot na solo sa tennis match yung mga doubles niyang kalaban. Sobrang fun fun talaga! :) I love being with my blockmates! :)

Tapos dinner at Mister Kabab. Sumunod si Kian, galing pa siyang OS exam ah at si Glenn, umalis ata sila ng mom niya. I love, love my blockmates. Complete kami! Well, hindi complete na complete pero complete meaning the same people na gagrduate na MIS na same people na kasama ko sa ORSEM. Kami na lang yung nagstay and hindi nagshift! HAHA. Kami yung matitibay na nagtiyaga sa MIS. Sobrang love ko talaga sila. As in after 2nd year, never na kaming nabuo, ngayon lang ulit! Halatang bored na kami sa bahay :)) Tapos tapos pupunta pa kaming Corregidor! Yay! :) 

I love, love, love this day! :)

Link | Leave a comment | Share

Para Kay B

Mar. 12th, 2009 | 10:13 am


Yes, I still believe na 1 ako sa 5 yun na magiging maswerte sa love. HAHAHA. E ano kung 4 out of 5? I still have that 20% chance of getting love right, right? :)) Wala lang, random stuff sa utak ko. Eto nadudulot ng boredom. HAHA

Anyways, my friends sent me a quote na galing sa book na to. Now, I really, really want to read it! :D Maybe it's nice after all. HAHAHA.

Here's the quote:
"...Dahil hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao ng hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kaniyang paniniwala. Kapag nagmahal kay'y dapat mong tanggapin ang bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kaniyang libag, utot at bad breath (ewwww). Pero me limit. Pantay pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na."

-Para kay B. (a novel writted by Ricky Lee)

And I'm going to school later! Yay! :) I miss school! HAHA. Finally! I am going back. I'm missing a lot of people too! :D

Link | Leave a comment | Share

Staying at home makes me sick

Mar. 11th, 2009 | 06:31 pm

Gusto ko ng lumabas but my mom won't allow me! As in nag-aaway na sila ng dad ko kanina kasi sabi ng dad ko bibigay niya pa rin yung allowance ko hanggang grad. Pero ngayon, ayaw ibigay ng mom ko. Marami raw siyang pinagawa sa bahay namin kaya wala na siyang mabibigay na allowance sa kin. Duh! Tama ba yun? Hindi ko naman balak umalis everyday e. Siguro mga twice or thrice a week okay na ko. Yun lang naman yung hinihiling ko sa kaniya.

Don't get me wrong. Alam ng mga tao na ako yung tipong taong mahal yung bahay namin. I love staying at home, I love being with my mom, I love my room. Taong-bahay ako in short. Pero kasi naman, gusto ko ring lumabas no! Ang dami ko ng namimiss :( Gusto ko na siyang makita! Gusto ko siyang i-hug, gusto ko na siyang makausap ulit! Namimiss ko na siya and gusto ko na siyang makita.

Namimiss ko na rin mga friends ko. Although makikita ko na sila sa Friday or Saturday or both. Pero gets? Namimiss ko na rin sila.

Namimiss ko fack although it would not be the same kung wala na yung mga people na kasama kong tumatambay don. Pero nakakamiss lang sobra.

Sa ngayon, gusto ko ng magkawork! Kahit part-time lang, kahit hindi pa yung dream job ko. Kahit something na magbibigay sa kin ng enough means para makalabas sa tuwing gusto ko and makita yung mga taong gusto kong makita. I am 20 and I need a life! Gusto ko na ng work. By then, wala ng masasabi yung mom ko sa tuwing aalis ako.

And I'm running out of time. Wala na kong oras. Baka makalimutan na rin niya ko pag graduate ko or baka makalimutan ko na rin siya. Pero no e. Kasi etong taong to, hindi ko siya naging crush, which makes him really special. Sabi ko noon, yung taong makakatuluyan ko siguro hindi ko siya naging crush. Oh well, mukhang yun nga yung mangyayari sa kin :) It is never too late Rach! Kaya mo yan! Aja! :)

Link | Leave a comment | Share

My Mr. Nice Guy :x

Mar. 10th, 2009 | 06:42 pm

I have been in-denial for the past few days or weeks. Finals week pa nagstart to and si Cathy pa ang nakapansin. Pero sabi ko sa kaniya, wala lang yun. Yeah, I was sure. I was very, very sure. Alam ko wala lang yun. Kilala ko sarili ko. Hindi ako in-denial sa kahit ano. Kapag gusto ko, gusto ko. Kapag ayaw ko, ayaw ko talaga. Hindi mo ko kailangang pilitin para aminin kung may dapat aminin. Pero wala talaga e. As in wala.

And it takes one simple thing that made me realized that there was something more. Ang stupid ko para hindi mapansin yun. Ang stupid ko para ngayon lang malaman yun. Ang stupid ko dahil di ko napansin na iba yung nararamdaman ko. Paano kung hindi nangyari yun? E di hindi ko na malalaman ever? Wow. Poor me.

I have this stat message sa YM kanina, "Namimiss na kita :|"

Nag-PM sa kin si Jin and she asked me kung sino yun. I was going to tell her. I have been comfortable with Tope, Cathy and Jin dahil sila yung lagi kong nakakasama for the entire sem. Pero hindi ko inexpect na mahuhulaan niya. Ganun ba ko katransparent? Or ganun lang talaga ako kakilala ni Jin? Or baka gaya nga ng sabi niya, "hindi, i guess may gift lang ako for figuring those things out."

Ang amazing mo Jin! Hanga ako sa yo dahil nahulaan mo yun :)) Siguro nga kung hindi ko pa rin nafifigure out yun hanggang ngayon, isa ka pa sa mga taong magpaparealize sa kin non.

And tama ka, tama ka about this one:

jin lorayes: hmm may mga crushes na hanggang crush lang
jin lorayes: as in tipong tulala ka lang with them
jin lorayes: pero may mga guys na you're so comfortable with, you grow to like them

From the book A Kiss Between Friends:

"I got everything mixed up. I was dating the person I should have been friends with, and trying to be friends with the person I should have been dating."



Link | Leave a comment {3} | Share

(no subject)

Mar. 8th, 2009 | 07:51 pm

Random things na gusto kong gawin/itry habang wala pa kong official na work. Hindi naman sa nagmamadali akong magtrabaho no, pero gets? Naisip ko lang na nakakabobo pala ang walang ginagawa. Nakakabagot, nakakasawa, nakakastress. Yung tipong ganun. Gusto kong may gawin pero yung dapat na gagawin ko hindi ako masstress or kung masstress man ako, may monetary na kapalit. HAHA. Yung tipong worth it yung stress :)

- Gusto kong matutong magluto ng ulam or magbake ng kahit ano -- A way to a man's heart is through his stomach :)
- Gusto kong itry magcall center. HAHAHA. OO! Gusto ko talagang subukan pero ayaw pumayag ng nanay ko. Pero okay kasi sweldo dun. Hindi ko naman balak maging permanent work yun, gusto ko lang subukan.
- Gusto ko ring itry maging manager ng Jolibee or McDo. Alam ko dito mababa sweldo, pero gusto ko talagang itry. HAHAHA.
- Gusto kong magtutor ng students from Grades 1 - 6 -- Sabi ng kapatid ko, magkabit daw ako ng promo sa guard's house, sa clubhouse, sa gates ng Filinvest kung ang target market ko raw ay mga rich kids. HAHAHA. Pero swear, gusto ko to! Feel ko kaya ko! :)
- Gusto kong bigyan ng anything ang isang tao. Hindi ko crush to or anything ah. HAHAHA. Pero gusto ko siyang bigyan just because naging super duper nice niya sa akin. And I always feel special whenever I am with him. Ewan ko. Ang sarap lang ng feeling kapag siya yung kasama ko :) -- Cathy, alam mo to! HAHAHA
- Gusto kong puntahan si Fr. Z para lang dalhan siya ng something. Nagpromise akong I'll see him ngayong March :)
- Gusto kong puntahan si Sir Mendoza para magthank you sa kaniya ng personal. Akala ko kasi matitiis niya talaga ako. Wala akong tiwala sa kindness ng puso ng isang tao :) Thank you Sir! Di kita makakalimutan ever! :)
- Gusto kong humanap ng mga gifts sa mga MIS friends ko para sa grad :) Kaso wala pa kong pera, hihingi muna ako sa tatay ko. HAHAHA
- Gusto kong humanap ng matinong trabaho! Yung work na sasaya ako and potential place para mahanap ko yung one true love ko. HAHAHA.
- Gusto kong pumayat. Kaya simula bukas, jogging and basketball sa clubhouse. Aja Rach! :)
- Gusto kong bumili ng mas malaking cork board. Mas marami ng importanteng tao sa buhay ko ngayon kaya mas malaking lagayan ng memories ang kailangan ko :)
- Gusto kong bumili ng maraming picture frames, tapos lalagyan ko ng napakaraming pictures ng mga taong never kong makakalimutan -- OO NA, SENTIMENTAL NA KO!!! =))

Ang dami kong gusto! HAHAHA. Sobrang dami pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula. One day at a time :) Masayang mabuhay, kaya habang bata pa ko, gagawin ko yung mga bagay na gusto kong gawin basta wala akong taong masasaktan :)

Nagbigay siya ng card sa kin last Friday. Nagulat kami nina Kim and Kez. Bigla nga silang tumahimik e. He was saying na sana raw mabalik pa namin yung friendship namin. And I texted him and told him na wala na sa kin yun. Tapos na e. Matagal na. Wala na kong magagawa sa mga nangyari na. And habang katext ko siya buong hapon ng Friday, dun ko naisip na wala na talaga akong nafifeel para sa kaniya. As in wala - no hatred, no love, no everything. Parang neutral lang. Steady. Yung tipong ganun? Tama si Kez, isang araw mawawala na lang yung lahat. Hindi ko alam yung exact date kung kailan nawala, pero nawala e. And ang galing-galing kasi hindi ko inexpect na ganun pala kabilis yun. Magigising ka na lang na wala na and thankful ka kasi nangyari yun :)

Minsan iniisip ko FC talaga siya. Kasi ba naman, nung gabi, nung nasa Stellar ako, nagtext siya sa kin. Sinasabi niya sa kin na kwentuhan ko raw siya kung anong nangyari sa party. Aba! Close tayo? HAHA. Oo, gets, napatawad na kita and all pero wag ka namang mag-act na parang ganun na lang ulit yun di ba? Pero dahil badtrip pa ko kay JC nung time na yun (hindi na ngayon), nagsumbong ako sa kaniya (like I used to do). And yun, knowing the same old him, he said the comforting right words. Ang galing talaga! And maybe, yun talaga yung purpose niya sa buhay ko? Maging sponge sa lahat ng badtrip moments ko. Siguro nga.

And after 2 months na hindi ko siya nakakatext, nanibago ako sa way niya ng pagtetext ngayon. Hmm, pano ko ba eexplain? Ganun pa rin naman mga words niya and all, pero hindi na ganun yung manner ng pagtetext niya.

For example, dati, ganito siya magtext.

"Talaga? Okay nga yun e. More time to bond. Haha"

Pero ngayon, ganito na.

"Talaga? okay nga yun e.. more time to bond.. haha!"

Wala lang. Alam ko mababaw and all pero nanibago ako. Before kasi, parehas kami ng style ng pagtitext. Pero ngayon? Hindi na e. Sobrang iba na. Sobrang di na ko sanay. Nung nakita ko nga yung name niya sa inbox ko, sobrang naninibago na ko. Siguro ganun lang talaga yun no? Yun yung symbolism na nagbago na talaga yung lahat. And kahit na anong pilit naming dalawa na mabalik sa dati yung lahat, hindi na siguro mangyayari yun.

Tinanong ako ng mom ko kanina kung gusto ko pa raw siya and sabi ko hindi na. And hindi siya makalet go sa idea na nakalet go na ko. Sabi niya, kaya hindi ko raw matapon yung card na binigay sa kin nung guy kasi mahal ko pa raw. Duh! Hindi na kasi. Hindi ko na siya gusto. Pinili kong wag itapon yun kasi yun yung sign na tinatapos ko na lahat ng galit ko sa kaniya.

Link | Leave a comment | Share

Stellar: MISA Year-Ender Party 2009

Mar. 7th, 2009 | 11:43 am


My Own Star :) Thanks to the Stellar Team

I had fun! Sobra! :) Siguro dahil sa fact that I personally know most of the members of the YEP team. Kaya siguro alam ko how they worked hard for it :) Actually, kahit di mo sila kilala, malalaman mo kung gaano sila nagwork hard for the event. Sobrang ayos, nag-enjoy yung mga tao, magagaling yung programs head, hindi sila nagkalat. Super okay nilang lahat :) Sabi nga ni Carl Co, "It's not me. It's my team." Tama nga naman siya. Malamang hindi niya kayang mag-isa yun. Malamang kailangan niya lahat ng tao sa team niya. He was a good PD for managing people. Astig ka Carl! :) Kung lahat ng PDs and Project Teams ng MISA kagaya niyo, e di lahat ng projects ng MISA maganda :) Sobrang the best kayo! As in the best! :) I saw how people enjoyed last night :)

Sobrang excited ako sa Stellar, tapos kahapon, bigla akong sinipon. Tamang malas lang no? :| Hindi ako yung tipong taong sinisipon, hindi ako nagkakasakit, hindi sumasama yung pakiramdam ko, pero sa dinami-dami ng araw, kahapon ako sinipon, sumakit yung lalamunan ko. Ang swerte ko di ba? :|:|:| Hay nako, I love you Papa God!

Mas marami na kong kilala kahapon na hindi ko kilala sa past MISA events. Napansin ko kasi yung mga pictures sa cam ko, wala naman sila dati dun e. Pero ngayon, part na sila ng buhay ko! NAKS! :) Basta ayun. Sobrang naaliw lang ako na ang daming bagong tao sa buhay ko and sobrang blessed ko na nakilala ko sila. Okay, drama! :p

New Internals VP SY 2009-2010
 

Outgoing EB, Incoming EB and Year-Ender Team

Ngayon lang nagsisink in sa kin na hindi na ko Internals VP. Ang bilis ng isang taon! Hindi man lang ako nainip. Ni hindi ko napansin na ganun lang lumipas yung 12 months. Nag-enjoy ako sa 4th year! Nag-enjoy ako sa MISA! Nag-enjoy akong maging part ng BETA. Alam ng mga BETA na iba yung year na to for MISA. Hindi lang EB ang mahalaga or nagdedecide, BETA kami. And 16 people ang hindi ako nagsawang makasama for the entire year! Sa lahat ng stress and sabaw moments natin, mamimiss ko kayong lahat! Sobrang mahal ko ang BETA! Mabuhay tayong lahat! :) Sorry kung naging madrama ako bigla, e kasi naman, sobrang mamimiss ko talaga ang MISA! Swear!

Kahit nagtampo ako sa kaniya, friends pa rin kami :)
 
Hmm, ano pa ba? Nagtampo ako kay JC. Ewan ko kung bakit. Pero sobrang nagtampo ako sa kaniya. Tapos nung nakauwi na ko narealized kong hindi ako dapat nagtampo sa kaniya. Basta, yun na yun. Tapos nag-apologize ako sa kaniya. Feeling ko ang immature ko, feeling ko ang sensitive ko masyado. Stressed na nga yung tao tapos dumagdag pa ko. Yung tipong ganun. Hay, buti na lang hindi siya nagalit sa kin or anything. Siguro nag-expect lang ako ng sobra from him tapos ganun. Pero okay na kami :) Yay! :)

I love love love him! Iba yung guy na nakita ko kagabi. Umiinom, nagwawala, sumasayaw, pero gets? Gusto ko pa rin siya. HAHAHA. Hindi dahil ganun siya at hindi dahil hindi siya yung inakala kong siya, ayaw ko na sa kaniya. Duh! Ang babaw naman non! Gusto ko pa rin siya. Pero alam ko naman na hanggang kahapon na lang yun e. Kasi kahapon, naggive up na ko officially. Hindi dahil ayoko na sa kaniya, pero naisip ko lang na tama na lahat ng nagawa ko for him. Lagpas na yun sa mga nagawa ko sa ibang tao. Hindi naman si kinukwenta ko, pero gets? Ayoko lang masaktan ako ng dahil sa kaniya. Kasi sobrang gusto ko nga siya. Ngayon ko lang ulit nafeel yung looking someone from a distance tapos alam mo na sobrang gusto mo yung guy na yun pero wala kang magawa? Yung tipong ganun. Ang drama na naman ng paragraph na to. Pero yun nga. Sobrang mahalaga siya sa kin kaya ayokong magkaroon ng bad memory ako of him.


Thanks for everything! Mamimiss kita! :(



Naisip ko lang kasi na yung ibang tao pag nagpipicture kami, sobrang close and all. Pero yung sa kaniya, malayo! Ewan ko, pero parang after ng lahat ng effort ko, wala namang pinupuntahan e. Kung ayaw niya sa kin, wala naman akong magagawa don e. At least hindi siya paasa. Okay na ko don. Siguro imposible lang talagang magustuhan niya ko. Siguro kahit anong gawin ko, hindi ko deserve yung place sa buhay niya. Mamimiss ko siya dahil kahit malayo siya sa mga pictures, nice pa rin siya sa kin, patient siya, mabait siya, appreciative siya. Kahit ganyan siya, sinave niya yung last few months ko, binago niya yung buhay ko without even realizing it, andyan siya sa tuwing masaya and malungkot ako. Kahit alam kong wala siyang paki sa buhay ko, pinapakita niyang masaya siya kapag masaya ako and he feels bad kapag hindi ako okay. Yung mga simple encouraging words niya kahit alam kong pilit, super hindi ko makakalimutan yun. Finally, eto na yung MASAKIT PERO WORTH IT sa buhay ko :)

Bani and Friends/MIS 2010

His friends make me smile as much as he does. Hindi ko makakalimutan ang Bani and Friends/Block S3 2010. Kahit mukha kayong loko-loko, sobrang thankful ko na hindi pa huli yung lahat para makilala ko kayo :) Thanks for being too nice, for signing the scrapbook, for supporting all my kagagahan sa kaibigan niyo. Salamat sa pagiging kunsintidor. And salamat sa lahat-lahat! Kahit hindi niya ko nagustuhan, masaya ako na along the way, nadagdag yung mga taong tulad niyo sa buhay ko :) Salamat sobra! :)

4 years of friendship and counting :)


MIS Batchmates are LOVE

Masaya. Masyadong masaya. And hindi ko makakalimutan kung gaano kasaya ang Year-Ender Party. Hindi ko makakalimutan kung gaano kasaya sa MISA. Hindi ko makakalimutan lahat ng taong nameet and naging friend ko sa org na to. Awww. Ayoko pang umalis!!! :(( Ang weird pala ng feeling ng ganito no? Hay, ewan ko. Good luck next year MISAns! Kaya niyo yan :) We believe that you can! :) Malalaki na kayo no!

For the next EB, I'm sure you'll do great! Basta believe in what you can do. Wag kayong mapressure sa nagawa ni Marvs and ng BETA. You can do things on your own.

Hay. Nassenior syndrome ako. Leche! Ayoko ng ganitong feeling :( Being with these people last night made me believe that I made the right choice to enter the Ateneo and stay at MIS. Sobrang uncertain ng outside world, pero masaya ako sa mundong pinasok ko sa College. Sana may mga ganitong tao sa outside world kasi mamimiss ko sila kung wala :(


Link | Leave a comment | Share

(no subject)

Mar. 5th, 2009 | 11:22 pm

Alam ko na kung bakit hindi pa ko nagkakabf. Siguro hindi pa talaga ako ready. Siguro masasayang lang yung relationship kung hindi pa ko ready. Siguro sayang lang yung right person kung wrong timing naman. Tipong ganun. Maybe darating yung tamang tao kapag okay na ko. Kapag ako na yung kind ng girlfriend na gusto kong maging. Yung tipong ganun.

Gusto ko kapag naging gf na ko, ganito ako:
- hindi ako magseselos. Or reasonable na selos lang
- hindi na ko mapapraning kasi secured ako
- hindi ako magiging demanding. Kung hindi siya pwede, kung ayaw niyang sumama, hahayaan ko siya.
- manonood pa rin ako ng movie na ako lang mag-isa paminsan-minsan
- hindi lang about sa kaniya lahat ng stories ko. May mundo pa rin ako bukod sa kaniya.
- hindi required na sumama siya sa lahat ng lakad ng barkada.

Hindi ko pa kayang gawin yung iba diyan. Kaya siguro wala pang right one kasi hindi pa rin ako right one :)

Marami akong gustong isulat kanina habang mag-isa ako sa mall pero parang nawala lahat ngayon. HAHA

Hmm, kailan ko kaya siya makakausap ulit? Pupunta kaya siyang grad party ko? Or hanggang ngayon galit pa rin siya sa kin? Or ilang? Ewan ko :|

Sabi ng isa kong friend sa isa pa naming friend, "Masakit pero worth it." -- Ito ang sagot niya when asked kung anong masasabi niya about this guy from her past. MASAKIT PERO WORTH IT.

May ganun ba talaga? May mga bagay na masakit pero worth it? Yung tipong kung uulitin mo lahat, gagawin mo pa rin the same way yung mga bagay-bagay sa mundo? Ewan ko. Wala pa kong nasasabihan ng ganun e. Yung tipong masakit pero worth it? Gets? Kasi naman, lahat ng past ko okay lang naman sa kin. Feel ko marami akong natutuhan and all. Pero hindi ko masasabing worth it kung masakit e. Or worth it pa rin kahit masakit. Ewan ko. Ang labo ko na. Pero hanga ako sa friend kong yun. Kasi alam ko na kahit naging napakahirap for her, alam niyang tama yung naging decision niya. Sabi nga niya -- masakit pero worth it. At least worth it di ba? Kaysa nasaktan ka pero hindi pala worth it. Mas mabuti ng masaktan and naging masaya kaysa nasaktan na naging bitter. Yung dating kasi nung statement na yun for me is walang halong bitterness. It is about making the right decision to love this person even though at the end nasaktan ka. Yun yun e. And ayokong mafeel yun. Kasi yun yung mga love na mahirap bitawan and kalimutan.

Ano pa ba? Wala lang. I learned something today, "IF A GUY IS REALLY INTO YOU, THERE WOULD BE NO EXCUSES!"

Kasi if I like someone, lahat ng bagay nalulusutan. HAHA. Nakakagawa ng mga palusot sa ibang tao para sa taong gusto ko. Tipong ganun. Sabi nga nila -- Kung gusto, maraming paraan. Kung ayaw, maraming dahilan.

Buhay nga naman. If you find someone who is full of excuses, believe me, he's not into you! :p

Stellar bukas! I am so excited! HAHAHA.

Nabasa ko to sa blog ni Cathy. Naaliw ako!

3. Hindi yung tao ang mahirap kalimutan kung hindi yung taong naging ikaw dahil sa kanya

- TRUE! One thing na hindi ko makakalimutan nung nakilala ko si Carl ay yung taong naging ako ng dahil sa kaniya. Yung Rach na laging nagsasabi ng "Okay lang!", yung Rach na marunong umintindi, yung Rach na never nagtext ng una except once a week, yung Rach na nag-aaral mabuti para maimpress siya, yung Rach na kahit praning na and all, chill pa rin kapag kaharap siya, yung Rach na tinanggap siya ng buong-buo kahit hindi siya match sa ideal guy ko. I miss that Rach pero I am happy with the Rach na nagbalik. I mean naging better nga ako. Pero along the way, hindi ko na kilala kung sino ako. Mas maganda sanang ginawa ko yung mga bagay dahil gusto kaysa dahil gusto niya.

Link | Leave a comment | Share

On Mr. MVP

Mar. 4th, 2009 | 08:19 pm




I wrote this for someone last February 2008. One year ago :) And until now, I still remember each and every detail ng sinulat ko dito :) Nasaktan niya ko before. Nagulat nga ako e, hindi ako prepared. HAHA. Pero ganun pala yun no? Kapag matagal na, yung maaalala mo na lang yung happy memories with that person. Nawawala lahat ng sakit, ng bitterness, tapos naiiwan yung pinakamemorable na moments na kasama mo siya :)

Nakita ko siya ulit today! After more than one year, nakita ko siya ulit. And he is still that guy. Nagmemelt pa rin yung heart ko kapag nakikita ko siya. Biglang nagflash back lahat ng happy memories. Bigla kong nasabi sa sarili ko na I am blessed na nameet ko siya once in my life. Sabi ko nga sa kaniya dati, "We became ---- by chance, but we became close friends by choice." :) Masyadong masaya nung part pa siya ng buhay ko. Siguro dahil parehas kami ng trip sa buhay? Kasi kaya naming magtext ng 300+ messages per night? Kasi alam niya yung sasabihin para di na ko magalit or magtampo sa kaniya? Kasi alam niya kung paano ako patawanin and isa siya sa pinakasweet na taong nakilala ko. Hindi siya takot na ipakitang concern siya, ni hindi siya takot na ipakitang natatakot siya kasi hindi niya ko nasasamahan umuwi. Hindi siya natatakot sabihin na gusto niyang present ako sa mga games niya. Hindi siya yung tipong tao na iiwan ka kung saan-sana, kahit gaano kabusy yan, never niya kong iniwan. Masungit siya kung di mo siya kilala, pero kapag nakilala mo siya, malalaman mo kung gaano siya kagreat na tao! Ang soft ng boses niya, kahit galit na yan, hindi mo mapapansin. Hindi siya natatakot ipakilala ka sa mundo niya and lagi siyang andyan para patawanin ka. Before and after ng training, ako yung una niyang naalalang itext. No excuses, hanggang kaya niya, andyan lang siya - a text or call away :)
 

Namimiss ko na yang hand na yan :) Akala ko noon, hindi ko kayang sabihin sa mga kaibigan ko. Pero sa lahat ng pinagdaanan ko, wala na ata akong matatago sa kanila :) Andun sila sa pinakamahirap na moving on stage ko. Bukod kay Alex, dito sa guy na to ako nahirapan magmove on. Pero madali naman e. Kasi andyan sina Dot, Tope, Kim, Kez, Chong, Glenn and Elie nung time na yun. Di nila ako hinusgahan sa taong napili kong magustuhan. Support all the way hanggang dumating yung time na kusang nagheal yung pain :)

No, I am not in-love with him anymore. Naisip ko lang na maswerte pa rin ako kasi naging part siya ng buhay ko once. And never kong makakalimutan yun :)

You're the best Team Captain for me! You deserve the Championship, the MVP award, and the Best Server Award. I miss you! And CONGRATULATIONS! :)

P.S Thanks to Dot and Cathy for being with me today :) I had fun! Thanks a lot! :)

Link | Leave a comment | Share

I love KIM GO!

Mar. 3rd, 2009 | 11:39 pm

r a c h e l: grabe kim!
r a c h e l: naiinis ako sa sarili ko!!!
kim go: bket naman?
r a c h e l: e wala lang
r a c h e l: ako lagi nagccause ng stress sa sarili ko
r a c h e l: yung PM tapos eto
r a c h e l: ang praning ko sobra!!!
kim go: optimistic! haha
r a c h e l: OPTIMISTIC!!!
kim go: :D
r a c h e l: :))
kim go: well kasi ako dati super dooooper praning ako
kim go: as in mas malala ako syo
kim go: ultimo hindi mo lang ako napansin akala ko na galit ka na sakin mammroblema nako the whole day
kim go: as in super sorry ako ng sorry
kim go: iyak ako ng iyak dahil akala ko galit mga tao sken
r a c h e l: :))
kim go: ganon ako ka-exag
r a c h e l: mas malala nga yan
r a c h e l: pero ako lalo
r a c h e l: praning ako
kim go: pero naisip ko lang na
r a c h e l: weird
kim go: i want to live my life as happy as can be na everything happens for a reason
kim go: like if may taong ayaw sken then i cant please everyone naman

r a c h e l: grabe gumaan loob ko diyan!
r a c h e l: tama ka!!!
kim go: pag may tao na sinisira happiness ko then fine let them be
r a c h e l: >:D<
kim go: hahanp nlng ako ng iba na magcacause ng happiness ko
r a c h e l: i want that mindset
r a c h e l: :))
kim go: pag nadepress ako then madepress ako oks lang din kaya nga andyan mga friends (user ang dating i know)
kim go: hahaha
kim go: bsta isipin mo nlng na everythings gonna be alright
r a c h e l: gusto ko yung mindset mo!
r a c h e l: ang optimistic!!!
r a c h e l: I LOVE!
kim go: actually naisip ko nga it helps na makakalimutin ako
kim go: kasi nakakalimutan ko rin ung ibang mga problems prang natatabunan ng good memories kaya feeling ko rin nahihirapan ka
kim go: kasi naaalala mo lahat
kim go: so pwde mong gawin pag may bad memory ka tabunan mo KAAGAD ng good memory kasi
kim go: once ka lang mabubuhay
kim go: if you live your life being sad and everything
r a c h e l: :))
kim go: pagsisisihan mo rin yan one day. pinagsisihan ko rin kasi hs ko eh
r a c h e l: i hate my memory
kim go: hahaha
kim go: pero ispin mo nlng everything's happening for a reason kaya andyan mga bad is for you to learn from them tska ok lang na masad ka magka midlife crisis ka early adulthood crisis ka
kim go: para may spice din ang buhay pero dapat sandali lang yan

kim go: :))
kim go: para d nmn depressed ka lagi
r a c h e l: di na ko maddpress!!!
kim go: mdyo pangit naman un
kim go: :))
kim go: tska pagnadepress ka go to your friends ilabas mo tpos hanap ka na ng good memories
kim go: :))
kim go: ah eto nlng isipin mo like ung kay carl for example tama kasi gnawa mo na you are showing him that you are happy
kim go: kasi pag hindi nagmumukha na talo ka gets?
kim go: :))
kim go: competitive dba
kim go: =))
kim go: prng marvin lang
kim go: hahahaha
kim go: although prng mali ung sinabi ko
kim go: :))
kim go: erase erase hahaha

Tama si Kim, effective nga pag optimistic! :)) Kung ayaw niya sa kin, then let him be. Hahanap na lang ako ng happiness sa ibang tao di ba? Or sa sarili ko?

Tama siya, hindi ko mapplease lahat ng tao sa paligid ko. And tama rin siya na masasayang oras ko pag nadepress ako.

I LOVE YOU KIM GO! :)

Link | Leave a comment | Share